Talamak ang bashing at negativity sa social media, pero huwag kalimutan na may mabuting naidudulot ito.
Tulad na lang ng kuwento ng binatilyong ilang buwan nang nawawala, at natagpuan kamakailan matapos siyang mahagip sa live stream ng mga content creators sa Miami, Florida.
Ang binatilyong taga-Michigan, USA, ay inakala ng kanyang pamilya na patay na.
Ang Miami ay 1,555 miles ang layo from Michigan.
Nagla-live stream ang dalawang content creators habang kumakain sa isang restaurant nang biglang mapadaan ang binatilyo.
Read: Man treats friends, bar staff; refuses to pay PHP84K bill
MISSING TEEN
Sa pamamagitan ng Facebook, nag-post ng announcement ang Flint Township Police Department (FTPD) noong May 21, 2024, tungkol sa nawawalang si Troy Coleman.
Huli raw itong nakita nang umalis sa kanilang bahay sa Flint Township at hinihinalang sumakay ng bus.
Pero simula noon ay hindi na nakita ang binata.
“He is 6'4'', 180lbs with blue eyes and a scar above his left eye.
“If you have seen Troy or know his whereabouts, please contact the Flint Township Police Department so he can be reunited with his family,” ayon pa sa announcement.
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan, pero walang balita sa binatilyo.
Inakala ng kanyang pamilya na patay na siya.
Read: Pinay, 74, dies after being pushed in U.S. train station
TEEN SPOTTED IN LIVESTREAM
Noong July 3, 2024, nag-live stream via Twitch ang American content creator na si FaZe Lacy at kaibigang si Clix.
Ang Twitch ay isang American live streaming service.
Sa kalagitnaan ng live nina Lacy at Clix, isang lalaking naka-topless at naka-bright green shorts ang lumapit sa kanila.

Nakipagbiruan pa ang di-kilalang lalaki sa magkaibigang content creators.
Pagkatapos ng live streaming, nawala na sa isip ni Lacy ang nakausap na lalaki.
Pero pag-uwi sa bahay, nakatanggap siya ng email mula kay Trent Coleman, na nagpakilalang kapatid ng lalaking nakausap ni Lacy.
Ang binatilyong naka-topless ay si Troy pala na higit dalawang buwan nang nawawala.
Buhay pa pala ang binatilyong inakala ng kanyang pamilya na patay na.
Sa mensahe ni Trent, sinabi pa nitong kapatid niya ang pinagtatawanan ng content creators sa live streaming.
Paglilinaw pa ni Trent, “He is not on drugs, he is schizophrenic…”

Nitong July 4, Independence Day sa U.S., kinumpirma ng mga pulis na natagpuan na nila ang nawawalang si Troy.
Saad ng FTPD: "The Flint Township Police Department would like to extend a heartfelt THANK YOU to everybody who shared the missing person information.
"He has been found safe in Miami, Florida and we are working with local authorities to arrange his safe return to Michigan to be with his family."
