Maganda naman si Xiao Mai, na residente ng Heilongjiang province sa China, pero no boyfriend since birth pa rin siya sa edad na 25 years old.
Hindi pihikan sa boys si Xiao. Nagkataon lang na hindi pa niya nakikita ang lalaking magpapatibok sa kanyang puso.
O mas tamang sabihin na hindi pa siya malapitan ng lalaking magpapakilig sa kanya at paglalaanan niya ng kanyang matamis na oo.
Meron kasi siyang pambihirang asset na maituturing na kapintasan na rin kaya siya iniiwasan ng mga potential admirers—ang kanyang pagiging tall girl.

Napakatangkad ni Xiao, na may sukat na seven feet and four inches (7’ 4”) o 2.26 meters.
Kung tutuusin, mas matangkad siya sa tallest living woman ng Guiness World Records na si Rumeysa Gelgi, na ang height ay 7 feet 0.7 inches tall sa edad na 27. Si Rumeysa ay taga-Turkiye.
Samantala, kapag may lumalapit na lalaki kay Xiao, kahit na matangkad din ito ay nagmimistula siyang bansot sa tabi ng dalaga.
Hindi rin nakakatulong ang societal norm na lalaki ang kadalasang ay mas matangkad kaysa sa dyowang babae.
Read: True love? 23-year-old woman marries 80-year-old man
PRETTY GIRL INIHAHANAP NG NANAY NG BOYFRIEND
Kamakailan ay nag-viral sa social media sa China ang isang short clip kung saan tampok si Xiao.
Lumaganap na rin ang naturang video sa ibang bansa.
Ipinost ng kanyang ina ang video para umano ay makita si Xiao ng buong mundo.
Nakapanood kasi ito ng video ng isang babae mula sa Shanghai na nag-propose sa boyfriend nito sa pamamagitan ng social media.
Ginamit ng ina ni Xiao ang katulad na technique para naman ihanap ang anak ng boyfriend.
Bukod sa pagpapakita kung gaano ka-pretty si Xiao at kung gaano siya katangkad, may part din sa video na ipinakita ang kanyang pang-araw-araw na buhay.
Sinabi ng kanyang ina na mahiyain ang dalaga.
Sa bandang hulihan ng video ay umapela ang kanyang ina sa netizens na ihanap ng puwedeng maging dyowa ang kanyang baby girl.
Read: 16 large pizzas ordered by woman turns out to be a prank
BATA PA LANG AY TALL NA ANG PRETTY GIRL
Noong bata pa si Xiao ay mapapansin agad na mas matangkad siya kumpara sa mga kaedad niya.
Pagsapit niya ng 7th grade ay umabot na sa 6 feet ang kanyang height.
Naging miyembro siya ng girls’ basketball team ng school, at naging star player pa.
Natulungan niya ang kanyang team na manalo sa ilang regional tournaments.
Inalok din ang tall and pretty girl ng mga professional basketball clubs sa China para maging prospect, pero tinanggihan niya ang mga ito dahil mas gusto niyang mag-aral.
Sa kasamaang palad, pagsapit niya ng 8th grade ay huminto na siya sa paglalaro ng basketball dahil nagkaroon siya ng serious injury.
Read: Itay, 61; Inang, 41, nakabuo pa ng triplets
NAGING PROBLEMA ANG SOBRANG TANGKAD
Nagpatuloy sa pagtangkad si Xiao, at tumataas siya ng 10 centimeters kada taon.
Dahil sa kanyang height, madalas din siyang problemado.
Hindi magkasya ang mahahaba niyang legs sa ilalim ng school desk.
Lampas din siya sa kanyang kama kapag nahiga siya nang diretso.
Hirap siyang makakita sa mga tindahan ng mga damit na magkakasya sa kanya.
Kapag sakay siya ng bus, lagi siyang sa bandang hulihan nauupo para hindi siya pagtinginan ng mga tao.
Dahil sa mga predikamentong ito na dulot ng kanyang sobrang tangkad, naging sobrang self-conscious si Xiao.
Mas ginusto ng tall and pretty girl na mag-isa lang at laging nasa loob ng kanilang bahay.
Hangga’t maaari, iniiwasan niyang magkaroon ng interaction sa ibang tao.
Read: Hairstylist with ball-like fingertips, famous for scalp massage
VIDEO NA-BOOST ANG CONFIDENCE NG PRETTY GIRL
Na-boost ang confidence ni Xiao dahil sa ini-upload na photos and video ng kanyang ina.
Sa pagdagsa ng mga random people sa kanilang tahanan, na-e-enjoy na niya ang pakikipag-selfie at pakikipagkuwentuhan sa mga ito.

Sa panayam sa kanya ng Toutiao, isang news and information content platform sa China, sinabi ni Xiao na noong una ay nagtataka siya kung bakit laging maraming estranghero na bumibisita sa kanya.
Aniya, “I discovered that they were very enthusiastic in helping me find good men from everywhere.”
Natuwa rin siya na dahil sa ipinapakitang kabaitan sa kanya ng mga nagiging bisita, hindi na siya conscious ngayon sa kanyang pagiging tall girl.
May mga nagiging male visitors na rin si Xiao na nagpapahiwatig na gusto nilang makilala nang lubusan ang dalaga.
Read: Young woman admits relationship with 7 pensioners for money
