Marami ang nahuhumaling sa panonood ng mga mukbang sessions.
Ang mukbang, na sinasabing nagsimula sa South Korea, ay pagta-try ng iba’t ibang putahe habang naka-live at nakikipag-interact sa viewers.
Dumami ang content creators na nagkaroon ng malaking following dahil sa mukbang.
Dumarami rin ang insidenteng nagpapatunay na banta sa kalusugan ang pagmumukbang.
Just recently, ang pagpanaw ng isang Chinese female mukbang star ay ibinalita sa iba’t ibang sites sa South Korea, India, China, at U.K.
Siya ay si Pan/Fan Xiaoting, 24.
Pumanaw raw siya during her live broadcast noong July 14, 2024.
Ang tinukoy na cause of death, ayon sa reports, ay overeating.
Isinailalim sa autopsy ang mga labi ng influencer at nakita na ang kanyang “abdomen was severely deformed and her stomach was filled with undigested food,” ayon sa Creaders.net.
EXCESSIVE OVEREATING
Sa tuwing gagawa ng content ang vlogger, umaabot daw sa 10 kilos ang kinakain niya at inaabot siya ng 10 hours sa pagvi-video ng mukbang hanggang sa maubos.
Binanggit pa sa ulat na umabot na ang timbang niya sa 300 pounds.
Kaya madalas siyang makatanggap ng paalala mula sa kanyang followers na huwag kumain nang sobra-sobra.
Nag-alala na rin ang kanyang mga magulang.
Pero hindi niya inalintana ang mga babala at paalala, kahit pa dati na siyang na-ospital dahil sa gastric bleeding bunsod ng pagkain nang marami.
Sadyang kinarir ng vlogger ang kanyang paggawa ng content dahil isang araw matapos ma-discharge, nagkaroon ulit siya ng mukbang session.
Read: Cebu personality issues apology over misgendering controversy

HOW THIS INFLUENCER GOT INTO MUKBANG
Dating waitress si Pan/Fan Xiaoting.
Kaibigan niya si Liu Qi, na nakilala rin sa pagmumukbang.
Nasaksihan niya kung paano nakakakuha ng gifts at rewards ang kaibigan sa mga live streams nito, kaya na-engganyo si Pan/Fan Xiaoting na maging content creator din.
Sa simula, iilan lamang ang kanyang followers, kalaunan ay dumami sila nang dumami hanggang magkaroon siya ng malaking following.
Umalis siya sa pagiging waitress at ginawang main source of income ang online streaming ng mukbang.
PHILIPPINE MUKBANG VLOGGER DIES
May ganitong insidente rin sa Pilipinas.
Na-stroke at namatay ang mukbang vlogger na si Dongz Apatan noong Hunyo 2024.
Noong araw na isinugod siya sa ospital, nagmukbang ang vlogger ng fried chicken.
Ayon sa cardiologist na si Tony Leachon, ang pagkamatay ng influencer mula sa Iligan City ay dulot ng hemorrhagic stroke.
“According to the doctors na nakakita sa kanya sa emergency room, nagkaroon siya ng blood clots sa brain.
“So ibig sabihin, tumaas ang blood pressure niya, pumutok yung ugat sa brain niya. So ang kinamatay niya, e, hemorrhagic stroke,” ani Leachon sa ulat ng GMA Integrated News.
Nagbabala ang cardiologist sa pagkain nang sobrang dami.
Payo ni Leachon, kumain lamang ng standard meal serving.
Healtheir choice din daw ang isda at gulay.
“So siguro, ito'y lessons learned para sa ating lahat. Pag naging habit ito, your habits kasi dictates your behavior, and your behavior determines your destiny as well, e.
“Ang pagkain talaga, pag sobra, hindi maganda. Lalo na pagka maalat, mataba, at matamis.”
