Hindi pa rin natatapos ang drama kaugnay ng malaking yaman ng tagapagmana ng tanyag na fashion brand na Hermès.
Last year, naging malaking balita ang announcement ni Nicolas Puech, tagapagmana ng Hermès, na iiwan niya ang nakalululang yaman sa dati niyang hardinero.
Si Nicolas, 81, ay ang fifth generation heir ni Thierry Hermès, ang French businessman na nagtayo ng French brand na Hermès noong 1837.
Walang asawa at mga anak si Nicolas.
Bagama’t siya ay retired member ng board of directors ng Hermès, nananatili siyang stakeholder ng kumpanya at owner ng 5.7 percent shares.
Ang kanyang kabuuang yaman ay nasa $10-$11 billion o PHP565-631 trillion.
Pero ang latest news: Nawawala raw ang kanyang yaman.

Read:
- Tagapagmana ng Hermés, 80, ipapamana ang malaking yaman sa kanyang hardinero
- Nicolas Puech of Hermès desididong ipamana ang yaman sa hardinero; sariling foundation, umaalma
Hermès heir's WEALTH lost
At dahil dito, hindi malinaw kung may mamanahin pa ang hardinero. Hindi pinangalanan ang hardinero pero ito ay 51 years old at may anak at asawa.
Inakusahan ni Nicolas ang kanyang dating wealth manager na si Eric Freymond ng umano'y pagnanakaw ng kanyang perang nasa $11 billion.
Nagsampa ng patung-patong na reklamo si Nicolas, at isinumite ang mga ito sa public prosecutor’s office sa Geneva, Switzerland.
Lumabas ang ulat na ito sa Gotham City, isang Swiss investigative news site.
Pero sa kabila ng pagkakaroon ng influential background, hindi pinaboran ng korte si Nicolas.
Wala kasi siyang matibay na ebidensiya kaugnay ng kanyang paratang sa wealth manager.
Ibinasura ng Swiss court ang mga alegasyon ni Nicolas earlier this July 2024.
Sinabi ng korte na ang mga paratang ni Nicolas ay “undetectable to common mortals,” ulat ng Bloomberg.
Ulat naman ng Swiss news outlet na Tribune de Geneve, ang mga stocks ni Nicolas ay idineposito sa isang Geneva bank noong 2012, pero hindi ngayon malinaw kung nasaan na ang shares.
Sabi ng lawyers ni Nicolas na sina Gregoire Mangeat at Fanny Margairaz, sila ay “in the process of studying the criminal file in detail,” ulat ng Business Insider.
Bukod sa pagbubunyag ni Nicolas, hindi na nagdagdag ang lawyers ng ibang detalye kaugnay ng paglaho ng nakalululang yaman.
