Isa na namang atleta ang nag-viral sa idinaraos na Paris Olympics 2024 matapos tumama ang kanyang maselang bahagi sa crossbar sa pole vault event.
Laman ng foreign news sites ang French pole vaulter na si Anthony Ammirati, 21, na nawalan ng tsansang makasungkit ng Olympic medal dahil sa nangyari.
Sumabak si Anthony sa men’s qualifying pole vault event noong Sabado, August 3, 2024.
Matagumpay siyang nakalusot sa first two heights—ang 5.40 meters at 5.60 meters.
Pero nabigo siya sa 5.70 meters dahil tinamaan niya ang crossbar saka ito bumagsak, kasabay ang pangarap ni Anthony na maging Olympic medalist.
Siyam na kapwa niya contenders ang nakapasok sa qualifier.
Sa kabila nito, naging matunog ang pangalan ni Anthony at pinagpiyestahan ng netizens.
Sa slow-mo video ng kanyang jump, kitang-kita kung paano nasanggi ng kanyang maselang bahagi ang crossbar, na siyang dahilan daw para maging 15th place lamang siya.
Read: What is inside the box given to medalists at 2024 Paris Olympics?
Read: Gearless Olympian shooter becomes internet sensation
NETIZENS REACT
Ang video clip ng pinag-usapang eksena sa performance ni Anthony ay humatak ng milyong views sa social media.
Maraming netizens ang nagkomento ng mga biro tungkol sa insidente.
Ayon sa kanila, hindi naman daw talunan o "loser" si Anthony sa pangyayari.
Biro ng isa, “He’s going to stroll out of this Olympics with more ladies’ phone numbers than medals!”
Joke ng isa pang netizen: “I mean, if you’re going to be famous for losing a pole vault this is the way to do it.”
May mga humirit na maling “pole” daw ang ginamit ni Anthony.


May nag-comment pa ng: “Bro lost the jump but gained some new female followers.”
Sa katunayan, nagkaroon si Anthony ng additional 50,000 followers sa Instagram kasunod ng pag-viral niya.

IT WAS NOT THE CROTCH OF ANTHONY AMMIRATI
Pero ilang mapagmasid na netizens ang nakapunang hindi ang private part ni Anthony ang unang tumama sa crossbar.
Tuhod at binti muna ang unang tumama kaya hindi puwedeng isisi sa kanyang maselang bahagi ang hindi niya pagpasok sa qualifying event.



Ito rin ang binanggit sa People article nitong August 4, 2024.
Pagtalon niya sa ere, iniwasan ni Anthony ang crossbar, pero tumama rito ang kanyang binti at tuhod, kaya maituturing itong failed jump.
Para magtagumpay sa pole vault, kailangang hindi dumikit ang anumang bahagi ng katawan ng atleta sa crossbar.
Matapos tumama sa binti at tuhod, tumama muli ang crossbar sa kaselanan ni Anthony na siyang dahilan para bumagsak ito kasama si Anthony.
Binanggit din sa ulat ng People na hindi puwedeng isisi sa private part ni Anthony ang pagkatalo niya.
Fail kasi ang tatlong tries niya sa 5.70 meters.
Ang atleta ay may tatlong pagkakataon kada pole vault height.
ANTHONY AMMIRATI REACTS TO FAILURE
Naglabas ng reaksiyon si Anthony kasunod ng kanyang pagkabigo.
“It’s a big disappointment. I’m a bit gutted, because I didn’t miss anything on the third attempt at 5.70 m.,” aniya sa French Athletics Federation website.
Inamin niyang kinulang siya ng training para ma-“finetune” ang kanyang galaw.
Sabi pa niya, “I was 100% physically, but I was missing a bit of pole vault. The conditions were good. It’s the first time I’ve started a competition without any stress.
“As I was a total outsider, I only had one goal: to play with the public. I was almost there.”
Ito ang unang beses na sumali sa Olympics si Anthony. Noong 2022, nakakuha na siya ng ginto sa World Athletics U20 Championships,

