PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Father shoots judges after daughter fails to win beauty title

Hindi siya agree na fourth placer lang ang anak.
by KC Cordero
Published Aug 10, 2024
Photo of the father of the beauty contestant and the ensuing fracas
Binaril ng ama ng isang beauty contestant ang mga judges matapos na hindi nito magustuhan ang naging resulta. Ayon sa ama ay sure winner ang anak, pero naging fourth placer lang ito. (Photos courtesy of g1 Globo)

Nauwi sa malagim na trahedya ang ginanap na beauty pageant sa Castelo dos Sonhos, Altamira, Brazil, noong July 28, 2024, matapos mamaril ang ama ng isang contestant.

Sa ulat ng g1 Globo, isang news website sa Brazil, nakilala ang suspek na si Sebastiao Francisco, isang local rancher.

Photo of the father of the beauty contestant
Ang ama ng beauty contestant, si Sebastiao Francisco. Photo: Screenshot at BS News Noticias
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man kills neighbor over question about being single

Nagsimula ang kaguluhan dalawang oras matapos ang event na tinawag na “Ball of the Rain's Choice,” kung saan kinoronahan ang pinakamagagandang dilag sa patimpalak.

SUSPEK HINDI MATANGGAP ANG PAGKATALO NG ANAK

Nagpahayag si Sebastiao ng disgusto sa naging resulta ng beauty contest dahil fourth place lang ang kanyang anak.

Kinuwestiyon niya ang desisyon ng mga judges, gayundin ang evaluation criteria.

Read: Heartbroken guy, 24, looks older after 5 months in the mountains

Ayon sa mga nakasaksi, sinabi umano ni Sebastiao na isang kahihiyan na fourth placer lang ang kanyang anak na para sa kanya ay sure winner sa hanay ng mga kandidata.

Ipinaliwanag sa kanya ng mga judges kung bakit hindi nanalo ang kanyang anak, pero hindi iyon tinanggap ni Sebastiao.

Ang pinagdausan ng beauty pageant ay guwardiyado ng private security and military police, pero dahil sa kanyang galit ay hindi niya ikinunsidera iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglabas siya ng baril at pinaputukan ang isa sa ang mga judges.

Napilitan ang mga pulis na paputukan din si Sebastiao.

Nadala pa siya sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

Read: YouTuber launches fake restaurant to prank influencers

ORGANIZERS KINONDENA ANG KARAHASAN

Sa video na ini-upload sa news website, makikita na nagkakagulo ang mga tao habang inaawat ng security at mga pulis si Sebastiao.

Kitang-kita rin nang magbunot siya ng baril at itutok iyon sa mga judges.

Maririnig ang putukan at lalong magkakagulo ang mga tao hanggang sa magtakbuhan ang mga ito palayo.

Read: Meet the sleepless seamstress who has not slept in three decades

Scene at the event
Nagtakbuhan ang mga tao palayo nang maganap ang putukan. Photo: Screenshot at g1 Globo
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Man stolen as baby reunites with wealthy family after 33 years

Iniulat ng pulisya na nakuha mula kay Sebastiao ang ginamit nitong baril at mga bala.

Isang lalaki rin ang tinamaan ng ligaw na bala at kinailangang isailalim sa operasyon.

Ang insidente ay kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Sinabi naman ng organizers ng event na kinokondena nito ang naganap na karahasan at nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad para malinawan sa insidente.

Naglabas din ang organizers ng pahayag ng pakikiisa sa mga kandidata at sinabing “regardless of voting and selection of the winner, the commission is always committed to a fair, ethical and transparent process, and that it will make available to interested parties the original voting files for the conference of results.”

Read: Delivery rider eats customer’s food without permission

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binaril ng ama ng isang beauty contestant ang mga judges matapos na hindi nito magustuhan ang naging resulta. Ayon sa ama ay sure winner ang anak, pero naging fourth placer lang ito. (Photos courtesy of g1 Globo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results