Tatlong minuto matapos maikasal, nag-divorce ang isang couple sa Kuwait.
Ang nangyari ay binansagan ng foreign news sites bilang “probably the shortest marriage” at “fastest divorce case” sa kani-kanilang mga ulat.
Nangyari ito noon pang 2019, pero muling nag-resurface sa social media at nag-viral.
Ayon sa kuwento, kakatapos lang ideklarang husband and wife ang couple na ikinasal sa isang courthouse sa Kuwait.
Nang palabas na sila sa pinto ng venue, natapilok ang bride, ayon sa q8news.com.
Narinig niya ang groom na tinawag siyang “stupid.”
Nag-init ang ulo ng bride at bumalik sa loob ng courthouse.
Right then and there ay hiniling niya sa judge na ipawalang-bisa ang kanilang kasal.
Pumayag ang judge at nag-isyu ng divorce decree tatlong minuto matapos silang ikasal.
Samantala, sa website ng U.S. Embassy in Kuwait, tinalakay ang divorce ng mga babae sa kanilang Kuwaiti husbands.
Binanggit ang “Shari’a” o “khali’a” bilang isang divorce option na available para sa mga kababaihan sa Kuwait.
Puwedeng i-divorce ng babae ang kanyang asawa “relatively quickly without having to establish grounds, if she agrees to relinquish her rights to her husband’s property and assets (but not custody of her children).”
Read: Man saves up coins worth more than PHP115K in three months

Groom in Cebu abandons wife on the day of wedding
May ganitong insidente sa Pilipinas na nangyari sa Visayas at napaulat noong February 2024.
Sa mismong araw ng kasal ay iniwan ng groom ang kanyang bride.
Diumano, ayaw sumama ng bride sa groom matapos ang kanilang kasal.
Read: Wedding gets messy ending; groom abandons bride after reception
Nangyari ang kasal sa Cebu noong February 26, 2024, ulat ng RPN DYKC Cebu via Facebook.
Ang groom at ang kanyang pamilya na taga-Pamplona, Negros Oriental, ay dumayo sa bayan ng bride sa Bairan, Naga, Cebu, kung saan ginanap ang kasal.
Pagkatapos ng kasal, niyaya umano ng groom ang bride na umalis na pabalik sa lugar ng groom.
Pero ayaw daw sumama ng bride dahil hindi niya maiwan ang ina.
Umalis ang groom kasama ang pamilya pabalik sa kanila. Iniwan ang bride.
Iba naman ang kuwento ng bride. Sabi niya habang umiiyak, bigla raw umalis ang groom nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya.
Sasama naman daw siya sa groom, pero nakiusap muna siyang asikasuhin ang kanilang mga bisita sa reception.
Pero ikinagalit umano ito ng groom at bigla na lamang nawala. Iyon pala ay umalis na ito at iniwang luhaan ang bride.
