Hiwalay na ang Hollywood A-listers na sina Jennifer Lopez a.k.a J.Lo, 55, at Ben Affleck, 52.
Ito'y matapos ang dalawang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Read: Jennifer Lopez, Ben Affleck married finally
Ayon sa ulat na inilabas ng TMZ, isang entertainment website sa Amerika, naghain ng divorce si J. Lo sa Los Angeles County Superior Court noong Martes, August 20, 2024, sakto ito sa mismong araw ng pagdiriwang nila ng second wedding anniversary.
Sa divorce document na isinumite ni J.Lo sa korte, makikita ang petsang April 26, 2024, na pinaghihinalaang araw ng kanilang paghihiwalay.

Wala pa ring isinasapubliko si J.Lo kung may prenuptial agreement sila ni Ben na kailangang maayos bago tuluyang mapawalang-bisa ang kanilang pag-iisang dibdib.
JENNIFER LOPEZ AND BEN AFFLECK RELATIONSHIP
Unang na-link sina J.Lo at Ben sa isa't isa noong 2001 nang magkasama nilang pagbidahan ang Hollywood movie na Gigli.
Sa isang panayam, inamin ni J.Lo na hindi niya akalaing mauuwi sa seryosong relasyon ang noo'y biruan lang nila ni Ben.
Read: Jennifer Lopez dips into sci-fi with Netflix's Atlas
Hanggang ma-engage sila noong November 2002, pero nag-break din sila noong January 2004.
Pagdating ng 2021, muling nagtago ang kanilang mga landas at magkaroon ng second chance na ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan.
Nangyari ito ilang buwan matapos mahiwalay ni J.Lo at fiancé niya noong si Alex Rodriguez.
Read: Derrick Monasterio still on cloud nine after brief encounter with Jennifer Lopez
April 2022, muling na-engage sina Jennifer at Ben.
August 20, 2022, ikinasal ang dalawa sa Los Angeles, California.
Read: Jennifer Lopez's intimate video with ex-husband Ojani Noa recovered
Sa dalawang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, hindi binayayaan ng anak sina J.Lo at Ben.
Ngunit may dalawang anak si J.Lo sa ex-husband na si Marc Anthony, ang twins na sina Emme at Maximilian.
Habang si Ben naman ay may tatlong anak sa ex-wife na si Jennifer Garner, sina Violet, Seraphina, at Samuel.
