Isang lalaking kakagising ang nakaramdam ng sakit sa kanyang private area habang siya ay nasa banyo.
Yun pala, may kumagat na python sa kanyang testicles.
Idinetalye ng biktimang si Thanat Tangthewanon ang mga pangyayari sa pamamagitan ng Facebook post nitong August 20, 2024.
Kalakip nito ang mga kuha niyang larawan ng ahas sa may toilet bowl. Tinatayang nasa nine feet ang haba nito, ayon sa ilang reports.
May bakas din ng dugo na nagkalat sa sahig at toilet bowl.
Read: North Korean athletes punished for selfie with South Korean athletes?
THE INCIDENT
Narito ang salaysay niya na isinalin sa English.
“Today I just had time to write a post to share my experience and want to warn everyone,” bungad ni Thanat sa kanyang FB post.
Nangyari raw ang insidente bandang alas diyes ng umaga.
“I woke up to go to the bathroom to do my business as usual,” sabi ng Thai.
Saad pa niya, bago siya umupo sa toilet bowl ay nag-flush muna siya tulad ng lagi niyang ginagawa bilang pag-iingat.
“After sitting for a while, I felt something bite my balls which was very painful. So I reached in. Yes, I grabbed the snake's neck, its fangs were biting my balls.”
Kaagad daw tumayo si Thanat at hinila ang ahas na hawak-hawak niya sa leeg.
“At that moment, I didn't feel pain but more shock,” sabi ng biktima.
Pero sadyang matindi raw ang kapit ng ahas sa kanyang maselang bahagi.
“I couldn't pull it out no matter how hard I pulled," saad ni Thanat.
“Because I was both shocked and angry, I glanced at the toilet brush nearby and grabbed it.”
Pinagpapalo raw ni Thanat ang ahas, kahit natatamaan na rin ang kanyang mga daliri na nakahawak pa rin sa leeg ng ahas.
“But at that time, I didn't feel any pain,” sabi niya. “I hit it until it stopped and slowly pulled it out.”

“I quickly went down to call the security guard to throw it away and called my friend who lives in the house next door to send me to the hospital.”
Update niya pa, “Now I'm safe. Luckily, they're non-venomous pythons.”
Sumailalim daw siya ng tests para matiyak na ligtas siya.
Sabi ni Thanat: “The incident that I encountered was very scary, so I wanted to share it as a warning to everyone.”
Nito lamang June 2024, napaulat din ang ukol sa viral video ng pumasok na cobra sa boxers ng lalaking Thai habang natutulog.
Read: VIRAL: Poisonous cobra goes inside Thai’s boxer shorts
Makikita kung paano matagumpay na nasungkit ng animal rescuers mula sa boxers ng nakahigang lalaki ang makamandag na ahas.
Sa isang 2022 article tungkol sa ilang Asian countries at Australia na may malaking populasyon ng ahas, nakasaad dito na ang insidente ng snakebites per year sa Thailand ay 7,000-9,000 as of 2015.
Ang statistics naman ng deaths caused by poisonous snakebites ay 5-100 per year.
