Ang social media influencer na si Ruslan Mokrytskyi ng Ukraine ay may 131,600 followers sa TikTok.
Pero hindi siya gaya ng ibang influencers.
Kakaiba ang sitwasyon ni Ruslan dahil isa siyang sundalo.
Kabilang siya sa mga nagtatanggol sa kanyang bansa laban sa pananakop ng Moscow.
Pinananatili niyang masaya ang kanyang pakiramdam kahit nasa gitna ng digmaan sa pamamagitan ng paggawa ng content kapag pansamantalang walang putukan sa pagitan ng dalawang magkalabang panig.

Sa isa niyang TikTok video ay makikita si Ruslan habang suot ang kanyang military uniform at naghihiwa ng sibuyas gamit ang kanyang combat knife.
Ipinapakita niya sa kanyang followers ang paraan ng paghihiwa ng sibuyas nang hindi mapapaluha.
Ang isa niyang kasamahang sundalo ang kumukuha ng video gamit ang smartphone, at binibigyan siya ni Ruslan ng instructions kung paano ang mga tamang anggulo.
Sa mga nakapanood na ng kanyang videos, mapapansing kapag nakatutok ang camera sa kanyang mga kamay ay kitang-kita ang mga pilat mula sa mga sugat na natamo niya nang minsang matamaan ng shrapnel.
Read: Nokia superfan may collection ng 3,615 cellphones
SOLDIER INFLUENCER, defender NG UKRAINE SIMULA PA NG GIYERA
Isinasalarawan ni Ruslan ang kanyang sarili sa kanyang mga social-media accounts bilang isang “part-time celebrity chef and soldier.”
Dagdag pa niya, “A cook from the hell of war.”
Para siyang nasa magkabilang bahagi ng mundo.
Halimbawa, kung sa isang video ngayon ay makikitang naghahanda siya para magluto ng pasta, sa isa pang video ay makikita siyang nag-o-operate ng drone para itaboy ang mga Russian soldiers na nagpipilit pumasok sa eastern city ng Ukraine.

Ayon kay Ruslan ay nasa hanay na siya ng mga Ukraine soldiers na nagtatanggol sa kanilang bansa mula nang pumutok ang digmaan noong 2022.
Dahil doon, kinailangan niya ng mapaglilibangan para pansamantalang mawala sa isipan ang bangungot na hatid ng digmaan—lalo pa at madalas silang binobomba ng mga kaaway.
Marami aniyang kakila-kilabot na eksenang hatid ang bawat misyon niya ng mga kapwa sundalo.
"I needed to recuperate mentally."
Noong una, pinipilit niyang katkatin sa kanyang isipan ang mga brutal na larawan na nakikita niya sa labanan sa pamamagitan ng panonood ng pelikula, pakikinig ng musika, pagbabasa, o kaya ay paglalakad kahit may mga bumabagsak na bomba sa di kalayuan.
Pero hindi nakatulong ang mga iyon sa nararamdaman niyang pighati.
Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone
FIRST VIDEO PA LANG NG SOLDIER INFLUENCER, 3 MILLION VIEWS AGAD
Hanggang minsan ay naisip ni Ruslan na baka mas malibang ang isipan niya kung kukunan niya ng video ang sarili habang nagpiprito ng patatas at i-upload iyon sa kanyang social-media accounts.
Sa pagkagulat ni Ruslan, ang video ay nakakuha ng three million views.
Sumaya siya sa kanyang natuklasang bagong libangan.
Humingi siya ng tulong sa kanyang mga kapwa sundalo. Nakiusap siya sa mga ito na tawagan ang kani-kanilang misis para magbigay sa kanya ng mga recipe na puwede niyang lutuin.
Game namang nakiisa sa kanya ang mga kapwa sundalo.
Noon na-realize ni Ruslan na hindi lang ang estado ng kanyang mental health ang kanyang natutulungan kundi maging ang mga kapwa sundalo.
Kapag nagluluto umano siya ay kabi-kabila ang biruan at tawanan kaya pansamantala nilang nalilimutan ang hirap ng ginagawa nilang pagtatanggol para sa kanilang kalayaan.

Sa mga video ni Ruslan, dahil sa masayang atmospera habang nagluluto siya, hindi mahahalatang nasa gitna sila ng giyera sa Donbas, kung saan walang habas ang putukan sa loob ng dalawa at kalahating taon mula nang sakupin sila ng Moscow.
Maging ang kapwa sundalo ni Ruslan na si Ivan—na siyang madalas na tagakuha ng video—ay masaya sa sitwasyon.
Bago nito, hindi raw siya makatulog dahil puno ng samu't saring pangamba.
Ngayon, kapag kinukunan niya ng video si Ruslan ay hindi niya naiisip na may giyera at concentrated lang siya sa mga dapat gawin.
Bukod dito, siya rin ang unang nakakatikim ng niluto ni Ruslan.
Read: Beauty clinic scams young man to get boob job
GUSTO NIYANG MAKITA NG MGA TAO ANG REYALIDAD NG DIGMAAN
Sa TikTok account ni Ruslan, bukod sa kanyang mga nilulutong pagkain ay nagpo-post din siya ng mga raw photos ng nagaganap na labanan para makita ng mga tao ang reyalidad.
Aniya, bukod sa sikolohikal na benepisyo ng pagkakaroon ng social media pages, nais niyang ipakita na ang isang sundalong sumasabak sa giyera ay may link pa rin sa ibang tao.

Nakikita ng mga sibilyan, lalo na ng kanyang pamilya, ang nangyayari sa kanya at kung ano ba ang buhay ng isang sundalong nasa gitna ng digmaan.
Ani Ruslan, nakakabaliw kung walang komunikasyon sa kapamilya.
Nalalabanan niya ang ganitong state of mind sa pamamagitan ng paggawa ng entertaining content kahit may kaugnayan sa digmaan.
Sa isang video ay ipinakita niya na ang isang basyo ng bala ay ginawa niyang pepper shaker.
Sine-save din niya ang mga produkto at mga panimpla na nakikita sa mga nawasak na bahay para magamit sa pagluluto.
Read: 95-year-old groom weds 90-year-old bride
INALOK NA MAGING BRAND AMBASSADOR ANG SOLDIER INFLUENCER
Sa pagsikat ni Ruslan sa social media, nilalapitan na siya ngayon ng mga negosyante.
May isang energy drink company na gusto siyang gawing brand ambassador.
Pinadalhan siya ng kumpanya ng mga produkto nito at tinulungan siyang magpagamot nang masugatan ang kanyang mga kamay.
Nakatanggap din siya noon ng donasyon mula sa mga sibilyan, pero dahil sa tagal na ng digmaan, marami sa mga ito ang hindi na nakakapagpadala.
Aniya, weither naubusan sila ng pera o di kaya'y nasawi dahil sa digmaan.
Read: CHECK THIS OUT: "Toothache Tree" known for curing dental problems
Ang kanyang content ay nagpapagaan sa dalahin ng kanyang mga kababayan.
Claim pa ni Ruslan, maging ang mga Russians ay nanonood ng kanyang videos.
“They see that we are ordinary people defending our country, and not fascists or I don't know what else."
Nabanggit niya ito dahil isinasalarawan ng Moscow ang Ukraine bilang fascist.
Aminado si Ruslan na dahil sa paratang na ito ng Moscow, na-motivate siya para ipagpatuloy ang paggawa ng content habang nasa labanan.
Ibinahagi rin niya na nang masawi ang isang kaibigan habang nakikipaglaban.
Apat na araw daw siyang nalungkot at laging nakatulala.
Pero naisip niya, buhay pa siya at marami pang magagawa, kaya bumalik siya sa pagluluto, sa paglikha ng cooking videos, at sa pakikipaglaban para sa kanilang kalayaan.
Read: A Boy, a Bicycle and a Legacy: Remembering John Gokongwei Jr.—the film
