PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Czech star gymnast taking selfie falls off mountain; dies

A friend who was with the victim described what happened.
by Bernie V. Franco
Published Aug 29, 2024
Neuschwanstein Castle and Natalie Stichova
The victim, Czech star gymnast Natalie Stichova was passionate about gymnastics and photography. While she was trying to get the perfect photo, Natalie fell off a mountain in Germany.
PHOTO/S: Auralmagic on Facebook / X

Dahil sa kagustuhang makakuha ng perfect selfie sa itaas ng bundok, nalaglag at binawian ng buhay ang isang kilalang Czech female gymnast.

Ang athlete na si Natalie Stichova, 23, ay umakyat sa Tegelberg Mountain sa Bavaria, Germany, noong August 15, 2024, ulat ng Daily Mail UK.

Kasama niya ang kanyang boyfriend at dalawa pang kaibigan na umakyat sa bundok, kunsaan matatagpuan ang kilalang Neuschwanstein Castle, na siyang inspirasyon sa castle ni Auroa sa Disney animated film na Sleeping Beauty.

Ayon sa report, habang nagpo-pose para mag-selfie sa tuktok ay nadulas at nalaglag si Natalie sa kinatatayuang bato na may taas na 80 meters o halos 262 feet.

Naisugod pa siya sa ospital pero matinding brain damage ang kanyang tinamo.

Natalie Stichova
Czech star gymnast Natalie Stichova is well known in her home country.
Photo/s: X (formerly Twitter)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Suspected robber enters house, reads a book; gets caught

czech star gymnast's TRAGIC FALL

Sa interview ng Czech media, ikinuwento ng kasama ni Natalie kung ano ang nangyari. Tumangging magpakilala ang kaibigan.

Aniya, nakatayo si Natalie sa dulo ng isang bato sa tuktok ng bundok para kumuha ng picture.

Nakita raw ng kaibigan na nahulog ang isang paa ng atleta.

Hindi raw niya matiyak kung nadulas si Natalie o may bahagi ng kinatatayuang bato ang bumigay.

Hayag ng kaibigan sa panayam: “She fell from a height of about 80 metres (262ft). We will never find out whether she slipped or whether a piece of the rock edge broke off.”

Read: Customer’s revenge after being 'snubbed' at luxury store

Kasunod ng pangyayari, tumawag ng pulis ang tatlong kasama ng biktima.

Inilarawan naman ng mga pulis na ang daan paakyat sa bundok ay “challenging climb.”

Ayon sa local media, nabuhay si Natalie at isinugod sa ospital via helicopter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dahil sa matinding pinsala at “irreversible brain damage," nagdesisyon ang pamilya na tanggalin ang kanyang life support noong August 21, 2024.

Hindi naman kataka-taka ang effort ni Natalie na makakuha ng magandang picture dahil bukod sa gymnastics ay passion niya ang photography.

Sa kanyang Instagram account, maraming kuha si Natalie at madala na nature ang kanyang backdrop.

Si Natalie ay kilala sa kanilang bansa bilang sports star at nagsimula na ring mag-train ng aspiring junior gymnasts.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The victim, Czech star gymnast Natalie Stichova was passionate about gymnastics and photography. While she was trying to get the perfect photo, Natalie fell off a mountain in Germany.
PHOTO/S: Auralmagic on Facebook / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results