PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Taeil kicked out of NCT following sexual offense allegations

SM Entertainment releases a statement on Taeil's removal.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 29, 2024
NCT Taeil removed from group following sexual crime allegations
SM Entertainment announces that Taeil has been removed from NCT due to unspecified sexual offense.
PHOTO/S: @mo.on_air on Instagram

Tuluyan nang pinatalsik sa K-pop group na NCT ang Korean singer na si Moon Tae Il o mas kilala sa kanyang stage name na Taeil, 30.

Ito'y matapos niyang masangkot sa alegasyong sex crime.

Mismong ang kinabibilangang music label ni Taeil na SM Entertainment ang nagdesisyong tanggalin na ang K-pop idol sa NCT sa kalagitnaan ng imbestigasyon.

Sa opisyal na pahayag na inilabas ng SM Entertainment nitong Miyerkules, August 28, 2024, sinabi nilang kinausap nila si Taeil bago nila ito tuluyang tanggalin sa grupo.

NCT Taeil removed from group following sexual crime allegations
Photo/s: @mo.on_air on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip nito ang paghingi ng paumanhin sa fans ni Taeil sa biglaan nilang desisyon.

Mababasa sa pahayag ng SM Entertainment (ayon sa English translation ng Soompi.com): "We have recently learned that Taeil has been accused in a criminal case related to a sexual offense.

"As we were assessing the facts related to the matter, we recognized the severity of the situation and determined that Taeil can no longer continue his activities with the team (NCT). After discussing with Taeil, we have decided on his departure from the group.

"Taeil is currently cooperating fully with the police investigation. We will provide further statements as the investigation progresses.

"We deeply apologize for the concern and distress caused by our artist."

TAEIL'S ALLEGED SEX CRIME SCANDAL

Bagamat wala pang inilalabas na impormasyon tungkol sa sex crime na kinasasangkutan umano ni Taeil, ayon sa ilang ulat, noong June 2024 pa naiparating sa SM Entertainment ang reklamo laban sa kanilang talent.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito'y matapos dumulong sa Seoul Bangbae Police Station ang babaeng naging biktima umano ni Taeil.

Read: Recap of NCT DoJaeJung Manila fancon 2023

Bagay na mabilis namang pinabulaanan ng SM Entertainment.

Ayon sa ulat ng allkpop, nakausap nila ang isang representative ng ahensya na nagsabing nitong mid-August lang nakarating sa kanila ang criminal report kay Taeil.

Iginiit din ng SM Entertainment ang kumakalat na haka-hakang pinagtatakpan nila ang krimeng nagawa umano ni Taeil.

Anila, "Both SM Entertainment and Taeil were notified of the criminal investigation in mid-August. Taeil was then summoned for questioning on August 28 KST."

Bago ang insidente, nagpaaalam si Taeil sa grupo noong August 2023 para magpagaling matapos niyang maaksidente sa motorsiklo.

Kaya naman labis ang pagkabigla ng kanyang mga tagahanga sa balitang pagkakatanggal niya sa NCT.

April 2016 nang mag-debut si Taeil sa NCT Korean at mapabilang sa subunit na NCT 127 at rotational group na NCT U.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LUCAS WONG

Hindi ito ang unang beses na may natanggal na miyembro sa NCT.

Noong May 10, 2023, nagpaalam din sa NCT at Chinese subunit nitong WayV ang K-pop singer-rapper na si Huang Xuxi o mas kilala sa kanyang stage name na Lucas Wong.

Ayon noon sa SM Entertainment, matapos ang mahabang diskusyon, napagdesisyunan nilang tanggapin ang kagustuhan ni Lucas na kumalas sa grupo para mag-solo.

Ang pagsosolo ang nakikita raw na paraan ng K-pop idol upang mailabas pa ang kanyang galing at talento.

Read: K-pop star Lucas leaves NCT, WayV to pursue solo activities; pens letter to fans

March 2018 nang mag-debut bilang miyembro ng NCT si Lucas.

August 2021, pansamantala siyang nawala sa limelight mataposmasangkot sa ilang kontrobersiya na may kinalaman sa diumano'y panloloko at pangga-gaslight sa dati niyang kasintahan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SM Entertainment announces that Taeil has been removed from NCT due to unspecified sexual offense.
PHOTO/S: @mo.on_air on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results