Nasawi ang isang Filipino-American cop matapos banggain ng isang kotse ang kanyang sinasakyan na patrol vehicle.
Kinilala ang cop bilang si Austin Machitar, 30, miyembro ng San Diego California Police Department.
Nasa kritikal na kondisyon naman si Zach Martinez, 27, ang kasama niyang buddy sa duty.
Naganap ang insidente noong August 26, 2024, sa Clairemont Mesa Boulevard sa San Diego.
Limang taon na sa Austin sa serbisyo.
Nasawi rin ang driver ng kotseng bumangga kina Austin at Zach. Hindi na binanggit ng mga awtoridad ang pangalan nito.
Napag-alamang hinahabol din ng mga awtoridad ang nagmamaneho ng kotseng bumangga sa patrol car na sinasakyan ni Austin.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya ni Austin at nagpahayag ng kalungkutan si California Governor Gavin Newsom.
Ayon sa inilabas na statement ng governor: “Jennifer and I are heartbroken by the tragic loss of Officer Machitar.
“His loved ones, friends, and colleagues at the San Diego Police Department are in our hearts during this difficult time.
“Our thoughts are also with his fellow officer who was seriously injured.”
Si Jennifer, na isang documentary filmmaker at actress, ang maybahay ng governor.
Read: Fil-Am White House executive chef retires after 29 years
Ikinalungkot din ni San Diego Mayor Todd Gloria ang pagkamatay ni Austin.
Si Gloria ay isa ring Filipino-American.
Sa isang pahayag ay sinabi niyang susuportahan ng kanyang tanggapan ang pamilya ni Austin.
“Our city mourns the tragic loss of one of San Diego’s finest, Officer Austin Machitar. His distinguished service to our city made him a hero. I offer the deepest condolences of the city to Austin’s family and loved ones,” ayon kay Gloria.
“We pray for the full recovery of his partner, Officer Zachary Martinez, who was gravely injured in the crash.”
Ipinagluluksa rin Filipino community ang pagpanaw ni Austin.
Read: Broken-hearted 17-year-old Fil-Am jumps to his death from 21st floor of five-star hotel in New York
FIL-AM COP TALAGANG PANGARAP NA MAGING PULIS
Lumaki si Austin sa Chula Vista at nag-aral sa Otay Ranch High School.
Nagtapos siya ng kolehiyo sa University of Hawaii noong 2015.
Mayroon siyang isang kapatid na babae.
Ang kanyang ama ay isang retired deputy sheriff, at siya ang naging inspirasyon ni Austin para pasukin din ang police force.
Ayon sa kanyang pinsan na si Paul Padilla sa panayam ng NBC 7 noong August 27, bata pa lang ay pangarap na ni Austin na maging pulis.
Mahilig din umano itong maglaro ng baseball noong kabataan pa nito.
Mula pagkabata ay hero na ang tingin ni Paul kay Austin.
“He stepped in and kind of protected me when I got into an altercation.
"Those kids knew him, and they're like, 'We'll back off.'
"He was always looking out for the underdog. He always liked protecting and serving."
FIL-AM COP, ONE OF A KIND
Naging miyembro si Austin ng San Diego Police Department noong 2019 at na-assign para mag-patrol sa northern division ng departamento.
Nagsilbi rin siya bilang training officer, at tumutulong sa pagre-recruit ng mga bagong pulis sa pamamagitan ng paggawa ng videos at photo shoots ng kanilang departmento.
"Austin had a very infectious smile and a character that made him one of a kind,” paglalarawan ni San Diego Police Chief Scott Wahl sa nasawing Fil-Am cop sa ginanap na news conference.
Ipinagpapatuloy pa ng San Diego Police Department ang imbestigasyon sa insidente.
Read: Sanggol na Filipino-American, bagong mukha ng Gerber food brand
