Nabasag ang isang ancient jar na 3,500 years old sa isang museum sa Israel, ulat ng BBC.
Ang nakabasag ng importanteng artifact ay isang apat na taong gulang na batang lalaki na naintriga kung ano ang nilalaman ng jar.
Itinuturing na napakahalagang bahagi ng history ang naturang jar na mula pa sa Bronze Age.
Ang ikinamamangha ng historians, buo pa ang jar na tinatayang ginawa noong kalagitnaan ng 2200 B.C. at 1500 B.C.
Karamihan kasi sa mga nadidiskubreng artifacts ng mga archeologists na katulad ng nabasag na jar ay hindi na buo at pira-piraso na.
Sa kasamaang palad, di sinasadyang nabasag ng bata ang ang ancient jar sa museum sa Haifa, Israel.
Read: Most frugal woman spends PHP79 on food daily; owns 3 houses
four-year-old BOY BREAKS JAR
Ang jar ay idinisplay malapit sa entrance ng The Hecht Museum sa Haifa.
Hindi na inilagay sa glass display ang jar dahil naniniwala raw ang tagapangasiwa ng museo na may “special charm” ang mga artifacts na walang harang.
Bumisita noong araw na iyon ang bata kasama ang kanyang mga magulang.
Kuwento ng ama tungkol sa anak nito, bahagyang hinila ng bata ang jar dahil “curious about what was inside.”
Pero bumagsak ang jar sa sahig at nabasag.
Nagulat daw ang ama nang makita na lang niya ang anak katabi ang basag na jar, anito sa BBC.

Read: Suspected robber enters house, reads a book; gets caught
MUSEUM REACTS
Naglabas naman ng pahayag ang museo. Muli raw nilang inimbitahan ang bata kasama ang kanyang pamilya para sa isang organized tour, ilang araw matapos ang insidente.
Pahayag museum staffer na si Lihi Laszlo, may mga pagkakataon na ang mga display sa kanilang museo ay sinasadyang sirain, at pinapanagot ang mga salarin.
Hindi raw ganito ang kaso na kinasangkutan ng batang nakabasag ng relic.
"In this case, however, this was not the situation. The jar was accidentally damaged by a young child visiting the museum, and the response will be accordingly,” ani Laszlo.
Sinabi rin nito na isang conservation specialist ang itinalaga para buuin ang nabasag na jar at idi-display ulit “in a short time.”
Sabi ng tatay ng bata, natutuwa siya na mare-restore ang jar na nabasag ng anak, subalit “it will no longer be the same item.”
Pinaniniwalaang ang jar ay ginamit noon bilang lalagyan ng mga supply, tulad ng alak o olive oil.
Tinatayang mas matanda pa ang jar sa panahon nina King David at King Solomon sa Bibliya.
Batay sa mga katangian ng jar, mula ito sa Canaan region sa eastern Mediterranean coast.
Sa kabila ng insidente, sinabi ng museo na itutuloy nila ang tradisyon nilang huwag lagyan ng salamin ang ibang items.
