Katanggap-tanggap ba ang isang job applicant na sumipot sa kanyang job interview nang naka-shorts?
Ito ang pinagtalunan ng netizens matapos i-post ng isang 28-year-old female ang kanyang karanasan sa recent job application.
Sa kanyang viral TikTok video na ipinost noong August 15, 2024, ipinakita ni Tyreshia Morgan ang kanyang outfit sa pinuntahang job interview.
Nakasuot ang taga-California, USA, ng white t-shirt, white cardigan, at black shorts.
Ang mababasang text overlay sa video (published as is): “The Recruiter REJECTED Me Because Of This !”
Binanggit niya sa video na iyon ang outfit niya nang pumunta sa job interview.
Pero sinabihan daw siya ng recruiter at company manager na umuwi muna at magpalit ng damit saka bumalik.
Caption ni Tyreshia: “I cannot believe the recruiter asked me to change my interview clothes then come back. I look very neat and professional, so no!”
At this writing, mayroon nang 5.9 million views ang TikTok post.

Read: Jobseeker feels off about question on “sexual orientation”
TYRESHIA REVEALS WHAT HAPPENED
Ibinahagi ni Tyreshia sa People ang kuwento ng aniya ay “last minute” job interview sa kanya.
Lumalabas na nakita ni Tyreshia ang email ng recruiter sa araw mismo ng interview.
Aniya sa People: "That day I was doing some job hunting ... I saw that the recruiter emailed me around 10 a.m."
Kinausap daw siya ng recruiter via phone at tumagal iyon ng 30 minutes.
Kasunod nito ay nag-schedule ng job interview sa pareho ring araw.
Ang trabahong in-apply-an ni Tyreshia ay isang position sa isang tech company.
Mayroon na rin siyang work experience sa tech industry.
Naging matiwasay naman daw ang naging takbo ng face-to-face interview.
Ani Tyreshia: "We sat down and did an intake, like a briefing. She [recruiter] asked me a few questions. I told her my background and experience.
“She really wanted me to meet the manager so we can get an offer on the table.”
Kasunod nito ay pinuntahan at kinausap daw ng recruiter ang manager.
Gusto raw makausap ng manager si Tyreshia at ilibot siya sa building, pero napansing naka-shorts daw ang aplikante.
Sinabi raw ng manager na kailangang magpalit ng damit ni Tyreshia at bumalik na lamang sa opisina.
Ang sabi ni Tyreshia sa People, wala raw siyang nakikitang masama sa kanyang pananamit.
Pahayag niya, "I thought I looked neat. I said in my [TikTok] I would show up to an interview like this.
“I felt like the shorts were appropriate. The Internet kind of blew up after that."
Pero tulad ng ibinahagi niya sa kanyang TikTok post, hindi na umuwi pa si Tyreshia para magpalit at bumalik sa inaaplayan.
"I was standing by my outfit. I thought I looked very professional," sabi niya.
“Although the shorts were a little bit above fingertips ... They weren't shorts that were too short.
“So I just felt like I looked okay for a professional environment."
Naka-off na ang comments section ng TikTok post ni Tyreshia, but, initially, nakita niyang hati ang komento ng netizens.
Aniya, mas marami ang tumuligsa sa kanyang interview outfit, pero meron ding nagsabi na wala silang nakikitang masama sa kanyang suot.
Wala rin daw siyang pagsisisi kung hindi na siya bumalik sa in-apply-an.
Nabanggit din sa report na may bagong ina-apply-an na trabaho si Tyreshia.
Dagdag pa niya, “"I would definitely respect the company and their dress code policies and make sure I'm in the proper attire."
Read: Customer’s revenge after being 'snubbed' at luxury store
NETIZENS REACT
Iba-iba ang opinyon ng netizens tungkol sa kuwento ni Tyreshia.
May mangilan-ngilan ang nagkomentong wala raw masama sa suot niyang shorts.
Mensahe ng isa: “I work in Midtown Manhattan and people wear shorts to work ALL THE TIME.. EVERYWHERE..”

Pero mas marami ang kumontra sa pagsusuot niya ng shorts.
Sabi ng isa, “It’s not a debate. You don’t wear shorts to a professional job.”
Komento ng isa pa: “Not acceptable on your interview. Maybe the dress code is casual but first impressions are very important.”


Pagsang-ayon ng isa pa, “When you own the company you can make your own dress code.
“Until then… when you want to work for someone elese’s company … Dress code matters… if anything for presenting yourself as a viable candidate. First impressions matter.”

May ilang nagtaka kung bakit naisipan ng aplikante na magsuot ng shorts sa job interview.
Ang iba naman, sinabing naging considerate pa ang company dahil pinapabalik pa siya.
Kung sila raw ang tatanungin, sa first interview pa lang ay di na pumasa ang aplikante.



