May maliit na pagawaan ng sabon si María Carolina Herrera sa Ate-Vitarte, isang residential area sa Lima, Peru.
Sa loob ng mahabang panahon, bagaman at available sa local market ang kanyang mga produkto, hindi kilala si Maria Carolina sa kanyang sariling bansa.
Isa siyang hand-soap maker at ordinaryong negosyante, na ang mga ginagawang sabon ay hindi ginagamitan ng makabagong makinarya.
Pero noong 2021 ay biglang sumikat ang kanyang pangalan sa Peru at maging sa ibang bansa sa South America.
Ito ay matapos siyang idemanda ng isang korporasyon na part owner ang Venezuelan fashion designer na si Carolina Herrera.

Kilala si Carolina Herrera sa fashion industry dahil siya ang nagdidisenyo ng mga isinusuot ng mga First Ladies ng United States kabilang sina Jacqueline Onassis, Laura Bush, Michelle Obama, at Melania Trump.
Read: Jobseeker feels off about question on “sexual orientation”
CAROLINA HERRERA LTD. HINARANG ANG BRAND REGISTRATION NG SABON NG HAND SOAP MAKER
Nag-ugat ang demanda nang isumite ng anak ni Maria Carolina na si Dario Morales ang brand ng kanyang sabon na “La Jabonera by María Herrera” sa National Institute for the Defense of Competition and the Protection of Intellectual Property (INDECOPI).
Ang INDECOPI ang in charge sa regulasyon at sa pangangalaga ng intellectual property rights sa Peru.
Ang aplikasyon ni Dario sa INDECOPI ay agad na kinuwestiyon ng Carolina Herrera Ltd.
Ang argumento ng mga abogado ng Carolina Herrera Ltd., ang panibagong Herrera brand sa cosmetic industry ng Peru ay magiging dahilan ng pagkalito ng mga parokyano.
Pero ayon sa hand-soap maker, “Carolina Herrera is my name, it is on my ID and I am Peruvian.
“I have every right to use it as I see fit.”

Pagbabahagi pa niya, nagulat siya sa legal action ng Carolina Herrera Ltd.
“My son wanted to surprise me for Christmas and registered the trademark.
“Shortly after, I received a notification from a lawyer who said: ‘Ma’am, don’t you want me to advise you on the problem you have with INDECOPI?
“And I said: 'What!'”
Noon niya natuklasan na hinarang ng Carolina Herrera Ltd. ang trademark registration ng La Jabonera by María Herrera.
Ayon sa global brand, ang dalawang kumpanya ay parehong nagbebenta ng cosmetic products, at ang pagkakapareho ng kanilang brand name ay magdudulot ng pagkalito sa mga consumers.
Makasisira rin umano ito sa branding ng Carolina Herrera Ltd., at sa reputasyon ng sikat na Venezuelan fashion designer na si Carolina Herrera.
Read: Teen goes on hunger strike to force mom into buying him an iPhone
HAND-SOAP MAKER KUMASA SA KASO
Hindi nagpatinag si Maria Carolina.
Kahit sobrang liit ng kanyang negosyo, inilaban niya sa INDECOPI ang karapatang magamit ang kanyang sariling apelyido bilang brand.
Naghain siya ng sariling argumento sa INDECOPI, at kinontra ang claim ng Carolina Herrera Ltd. na ang La Jabonera by María Herrera ay makakaapekto sa negosyo nito sa Peru.
Ang naging argumento pa ng kanyang abogado, bukod sa talaga namang Carolina Herrera ang tunay na pangalan ng may-ari ng La Jabonera by María Herrera, ang apelyidong Herrera ay sobrang palasak sa Peru.
Magkaiba rin umano ang disenyo ng logo at ang klase ng mga produktong ibinebenta ng dalawang kumpanya.

Inabot ng dalawang taon bago nakapaglabas ng desisyon ang INDECOPI.
Matapos ang mahabang litigasyon at mga apela mula sa magkabilang panig, pinaboran nito si María Carolina Herrera.
Ibinahagi iyon ni María Carolina sa Instagram account ng La Jabonera by Maria Herrera noong August 15, 2024.
Read: Nokia superfan may collection ng 3,615 cellphones
HAND-SOAP MAKER's double victory
Sa inilabas na verdict, sinabi ng INDECOPI na walang risk na maguluhan ang mga mamimili sa pagitan ng dalawang brands at maaaring mag-co-exist ang dalawang produkto sa merkado nang walang problema.
Ang panalo ng La Jabonera by María Herrera laban sa Carolina Herrera Ltd. ay isang malaking tagumpay hindi lang para kay Maria Carolina Herrera kundi maging sa iba pang maliliit na negosyante sa Peru na gusto ring gamitin ang kanilang legal names bilang brands.
Ayon sa website na Peru Naming Customs, may mahigit 230,726 Peruvians na ang apelyido ay Herrera.
Ang Herrera rin ang ika-33 na “most common Hispanic surname.”
Sa ulat ng news website na Alegsa, ang handmade soap venture ni Maria Carolina ay hindi lang basta negosyo para sa kanya dahil ginagamit din niya itong behikulo para sa kanyang mga kawanggawa.
Nagbibigay siya ng libreng sabon sa mga animal shelters para sa sterilization ng mga inabandonang hayop.
