Ano ang gagawin mo kung six days before your wedding ay natuklasan mong nagtaksil ang iyong mapapangasawa?
Itutuloy ba o ika-cancel na lang ang kasal?
Sa kaso ni Lindsay Slater, 31, itinuloy niya ang "wedding" pero walang groom.
Naging “celebration of freedom” para sa bride ang nangyari kaya nagdiwang pa rin siya kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Si Lindsay ay isang solicitor sa Mansfield, Nottingham, sa England.
Nangyari ang “wedding” noong August 17, 2024. Ipinost pa ng kaibigan ni Lindsay na si Beth Paige ang highlights ng selebrasyon.
“You find out your fiancé is cheating 6 days before the wedding so you do it without him,” caption ni Beth sa TikTok video.
Read: Bride divorces groom three minutes after wedding
BRIDE CATCHES fiancé CHEATIng
Ayon sa ulat ng The Bucks Herald, sumiping ang kanyang groom, 36 anyos, sa ibang babae.
Kinumpronta siya ni Lindsay, at lumayas ang groom sa kanilang tahanan.
Twelve years silang nagsama.
Noong una ay kinansela ni Lindsay ang kasal, pero nagdesisyong ituloy ito para ipagdiwang ang kanyang kalayaan.
''I chose to spend the day with close friends and family - rather than sit at home, crying,” ani Lindsay sa The Bucks Herald.
Ang presyo ng expenses sa wedding ay 35,000 pounds o $46,000 (PHP2.6 million)
Dumating si Lindsay sa venue suot ang kanyang Charlotte Elizabeth bridal gown na nagkakahalaga ng 1,200 pounds o $1,500 (katumbas ay PHP85,000).
Tinatayang 60-70 katao ang dumalo sa reception na binubuo ng sit-down meal, speeches, sayawan, at kantahan.
Sa TikTok video na ipinost ni Beth, makikita ring may touching moments na niyayakap si Lindsay ng mga taong nagmamahal sa kanya.
Read: VIRAL: Pinay bride’s grand elevator wedding entrance in Abu Dhabi

Pero karamihan sa mga video clips ay puro kasiyahan at selebrasyon.
Sabi ni Lindsay: “I thanked all my family and friends for being there. I said I didn’t know how I was going to survive this ordeal. But looking at all those supportive faces, I felt a bit better.”
Mayroon pang follow-up TikTok video post si Beth, kunsaan makikitang pumunta sila ni Lindsay sa Crete, Greece, noong August 20.
Kalakip pa sa video ang pagpapakita ng news print feature kay Lindsay matapos ang kanyang karanasan.
Ayon sa reports, pitong araw roon sina Lindsay na dapat sana ay panahon ng honeymoon nila ng kanang groom.
Sa post ni Beth, makikita rito ang pagsasaya nila ni Lindsay.
Caption niya sa TikTok video (published as is): “Honeymooning with your best friend because your ex cheated on you 6 days before the wedding.”
Patukoy pa niya kay Lindsay: “She continues to be an ICON who said honeymoons are just for married couples?!”
