Sinorpresa ng LuLu Group chairman na si M. A. Yusuff Ali ang isa niyang fan nang regaluhan niya ito ng isang mamahaling Rado watch.
Ang kanyang fan ay ang YouTuber at watch expert n si Effin M, na ang kalimitang ay tungkol sa mga branded watches na isinusuot ng mga celebrities.
Mayroon siyang 358 subscribers sa YouTube at 524K followers sa Instagram.
Sa video na ini-upload ni Effin sa Instagram, makikitang naglalakad siya papasok sa LuLu Group headquarters.
Read: Inside the world of a content creator with 500 pairs of sneakers

Read: Love At The Right Time: Content creator's selfie captures future husband before they met
Sinalubong siya ni Yusuff at niyakap bago sila nagkamayan.
Maya-maya ay lumapit ang isang staff ni Yusuff dala-dala ang isang maliit na box.
Binuksan nito iyon at tumambad ang mamahaling relo.
Hindi makapaniwala ang YouTuber.
Si Yusuff din ang nagsuot ng relo sa kaliwang braso ni Effin.
Ayon sa website ng Rado, ang modelo ng relo na natanggap ni Effin ay nagkakahalaga ng US$3,532.91 o PHP200,000.
Read: Childless marriage? Content creator defends her choice
YOUTUBER UNANG NAGREGALO NG RELO SA BILLIONAIRE
Bakit niregaluhan ng mamahaling relo si Effin?
Noong July 2024, sinorpresa ni Effin si Yussuf ng customized watch na may larawan ng namayapang ina ng billionaire.
Read: Meet MrBeast, first YouTuber to have 300 million subscribers

Read: Meet this influencer earning six figures for resembling Kobe Bryant
Ayon sa YouTuber at content creator, naging fan siya ni Yussuf nang mapanood niya ito sa isang video na nagkukuwento tungkol pagmamahal at magagandang aral at alaalang naiwan dito ng ina.
Paliwanag naman ni Yussuf, "Who doesn't love their mother?"
Dahil doon, ipinagpagawa ni Effin si Yussuf ng waterproof watch na nakaukit ang larawan ng ina ng billionaire.
Read: Influencer inirampa ang mga damit na isinuot ng ina noong 1980s
WHO IS BILLIONAIRE M. A. YUSUFF ALI?
Si Yusuff ang chairman at managing director ng Lulu Group.
Pagmamay-ari nito ang LuLu Hypermarket chain sa buong mundo, at ang LuLu International Shopping Mall.
Sa kabuuan, ang retail empire ni Yusuff ay nasa 256 hypermarkets and malls na matatagpuan sa Gulf at sa India.
Read: Meet 19-year-old Livia Voigt, world’s youngest billionaire

Read: “Yayamanin” ba ang Zodiac sign mo?
Tinatayang ang net worth ng billionaire ay lampas sa US$8.9 billion, ayon sa Forbes.
Kilala rin ito na mapagkawanggawa at maraming sinusuportahang charitable institutions and organizations.
Sa kabila nito, may mga trahedya sa buhay ni Yusuff.
Noong 2001 ay namatay sa car accident ang mga magulang nito habang nagbibiyahe mula Dubai papuntang Abu Dhabi.
Read: A Boy, a Bicycle and a Legacy: Remembering John Gokongwei Jr.—the film
