Mamimigay ng cash incentives ang South Korean government sa sinumang couples na magkakatuluyan sa isang village sa Busan.
Ito pa, may naghihintay ring karagdagang cash gift sa bawat estado ng kanilang pagkakamabutihan: relationship, pamamanhikan, at kasal.
Ngayong October 2024, gaganapin sa Saha District, Busan, ang isang "meeting event" para sa mga residente at workers doon.
Mismong Saha district council ang naglaan ng pondo para sa “meeting day” para sa singles sa district, ayon sa ulat ng The Korea Herald noong June 27, 2024.
Read: Man sleeps 30 minutes a day for 12 years to be more productive
CRITERIA FOR APPLICANTS; how the dating event works
Unang beses gaganapin ang "meeting day" kaya magsasagawa rin ng screening para sa mga nais sumali.
Bukod sa pagiging single, ang applicants ay isinilang dapat noong 1981 hanggang 2001 at naninirahan o kaya ay nagtatrabaho sa Saha District.
Dadaan sila sa interview at susuriin ng district office ang kanilang supporting documents.
Kapag nagkatuluyan ang isang babae at lalaki mula sa meeting event, bawat isa sa kanila ay tatanggap ng 500,000 won o PHP21,000.
Ibig sabihin, one million won o PHP42,000 ang matatanggap ng couple.
At kung umusbong pa ang kanilang pagkakamabutihan, may karagdagang cash incentives sila mula sa gobyerno.
Kapag umabot na sa pamamanhikan ang kanilang relasyon, may additional cash incentive silang 2 million won (PHP84,000) bilang couple.
Kapag nauwi sa kasalan ang pagsasama ng magsing-irog, mabibigyan pa sila ng dagdag na 20 million won (PHP842,000) bilang congratulatory money.
Wait, there's more!
Aalukin din ang newlyweds ng 30 million won (PHP1.26 million) deposit para sa housing, o kaya ay 800,000 won (PHP33,600) for monthly rent ng tirahan sa loob ng limang taon.
Sa kabuuan, ang matatanggap ng couple ay maaaring umabot sa 53 million won (PHP2.2 million) hanggang 71 million won (PHP2.9 million) sa pamamagitan ng district program na ito.
Ang magandang balita, balak mag-expand ng Saha District ng programa nila para maisali ang foreign nationals na nagtatrabaho sa Saha District pagdating ng susunod na taon.
Planong gawin ng distrito ang meeting event na ito buwan-buwan.
"This project is designed to overcome the demographic crisis amid South Korea's low birth rate by forming a multicultural local community in the future," ani Saha district head Lee Gap-jun.
Read: Bride goes solo sans cheating groom in PHP2.6-M nuptial ceremony
KOREA’S DECLINING POPULATION RATE
Lumalabas naman na hindi lang sa Saha District sa Busan, South Korea ginagawa ang government project na ito.
Sa ulat ng Korea.net nitong August 22, 2024, binanggit ditong suportado ng Korean government ang blind dates o kaya ay ordinary dates hanggang sa pagpapakasal ng kanilang mga mamamayan.
Papayagan ng gobyerno ang pagpapakasal sa public museums at parks.
Ang renta ng bagong kasal sa tutuluyang tirahan ay aabot lamang sa 10,000 won (PHP421) kada buwan.
Sa isinagawa kasing 2023 census, ang total population ng South Korea ay 49.84 million, mas mababa ng 101,000 (o 0.2 percent) kumpara noong 2022.
Nakita sa census ang pagbaba ng population ng South Korea mula noong 2021.
Ang total birth rate noong 2023 ay 0.72 percent, mas mababa ito kesa sa 0.78 percent noong 2022.
Noong 2023 ay nasa 194,000 ang ikinasal, na 40 percent ang ibinaba sa nakalipas na sampung taon.
Lumalabas sa pag-aaral na dumarami sa South Korea ang ayaw nang makipag-date o kaya ay magpakasal.
Kaya naman itinuturing na “social problem” ng South Korea ang low birth rate, na tinawag pang “national crisis” ng kanilang presidente.
Ito ang dahilan kung bakit kumikilos ngayon ang gobyerno ng Korea. Nakikipagtulungan na rin ang private sector.
Nagsasagawa sila ng meeting events na may incentives upang mahikayat ang kanilang mamamayan na magkaroon ng relasyon at makabuo ng pamilya.
