Nalugi ang isang appliance store sa China ng PHP236,184,900 sa loob lang ng 20 minuto.
Ang dahilan: nagkaroon ng pagkakamali sa paglalagay ng presyo ng mga washing machines. Isang brand na may original price ng PHP13K+ ay naging PHP2K+ lamang.
Ang appliance store na Little Swan Dongshan Franchise Shop—mas kilala na Little Swan—ay matatagpuan sa Jixi County sa probinsiya ng Anhui, na nasa southeastern part ng China.
Sikat ito sa pagbebenta ng locally-made washing machines at iba pang appliances sa mababang halaga.
Read: Venezuela to celebrate Christmas on October 1 this 2024

Read: Acupuncture clinic uses crazy number of needles to cure patients
Noong August 28, 2024, napansin ng mga customers sa online store ng Little Swan na bagsak-presyo ang washing machine kaya agad dumagsa ang orders na umabot sa 40,000 units.
Read: Man dies after 23 of his teeth are removed in a single session
APPLIANCE STORE NAG-APOLOGIZE SA MGA BUMILI
Sa ulat ng South China Morning Post last September 8, nag-apologize ang Little Swan sa mga customers na bumili ng washing machine.
Hiniling din ng store sa mga ito na i-cancel ang kanilang order.
Inamin ng Little Swan na nagkamali ang isa sa mga empleyado nito dahil hindi naunawaan ang promotional rules ng shopping website na Tmall na pinapatakbo ng Alibaba Group.
Ayon sa inilabas na apology statement ng Little Swan:
“Due to the misunderstanding, we made a significant mistake. We recognize that this issue has caused confusion among the public and has seriously disrupted the market.
“We feel deeply guilty and upset.
“Tens of thousands of orders and tens of millions of yuan are astronomical figures for us. We feel sincerely sorry for all the affected customers.
“We humbly beg you to understand our difficulties and to agree to withdraw orders. We will refund you as fast as we can.”
Read: Guadalupe Bridge to be closed for 17 months starting October 2025
PRESYO NG WASHING MACHINES SA ONLINE STORE SOBRANG BABA
Isang customer na nakilala lang sa pangalang Wang ang nakapanayam ng SCMP ang nagsabing nalaman niya sa pamamagitan ng social media ang tungkol sa sobrang babang presyo ng washing machines.
Agad siyang bumili ng tatlong units.
Ang modelo na karaniwang ibinibenta ng appliance store sa halagang PHP13,528.56 ang isa ay nabili lang niya ng PHP2,367.44 kaya bumili siya ng dalawa.
Ang isa pang modelo na nagkakahalaga ng PHP19,786.76 ay nabili lang niya ng PHP3,475.94.
Ani Wang, nang makita niya ang apology statement ng Little Swan ay kinansela na lang ang kanyang orders.
Read: Hand-soap maker wins case vs. global brand Carolina Herrera
EMPLEYADANG NAGKAMALI SA PRICING, NAG-SORRY SA CUSTOMERS
Ang Little Swan ay mayroon lang anim na empleyado na nagmu-multi-tasking sa araw-araw na operasyon ng appliance store.
Ayon sa management, dahil sa economic slowdown ay hindi pa ito makapagdagdag ng mga tauhan.
At sa mga nakalipas na taon, dahil sa pandemya, minimal din lang ang kinikita ng appliance store.
Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone

Read: Groom learns bride is 25 years older than him on eve of wedding
Bukod sa apology statement, naglabas din ang Little Swan ng video ng empleyada nito na nagkamali sa paglalagay ng presyo ng washing machines.
Hindi na ito pinangalanan.
Pahayag ng empleyada sa inilabas na video: “I am deeply sorry for my blunder. By the time I realized it, 20 minutes had passed.”
Malungkot pa nitong sambit, “I cannot afford to cover the losses even if I sold everything of mine.”
Read: 38-year-old writer chooses to live in home for the elderly
APPLIANCE STORE KAILANGANG MAPAWALANg-BISA ANG PURCHASE CONTRACT
Iniimbestigahan na ng local market supervision authority ng China ang naging pagkakamali sa pricing ng Little Swan.
Ayon kay Zhao Liangshan, isang lawyer ng Shaanxi Hengda Law Firm sa panayam ng news portal na The Paper, kung sinadya ng appliance store na lagyan ng maling presyo ang mga washing machines para magkaroon ng online visibility o mapataas ang benta, obligado ito na ibigay ang naging orders ng mga bumili.
Kung talaga namang nagkaroon ng pagkakamali sa paglalagay ng presyo, ang Little Swan ay maaaring maghain ng petisyon sa korte para mapawalang bisa ang purchase contract.
Maaari nitong ibalik ang ibinayad ng mga customers at hindi na kailangang i-deliver ang nabiling washing machine.
Ani Zhao, “The company must present compelling evidence demonstrating that it has indeed made a genuine mistake so that the court will be persuaded to rule in favor of cancelling the purchase contract.”
Read: Father shoots judges after daughter fails to win beauty title
Batay naman sa inilabas na data ng Little Swan, napag-alamang karamihan sa mga nag-order ng washing machines ay mga negosyanteng bumili nang bultu-bulto.
Hinala ng appliance store, resellers ang mga nag-order.
Ilan lang din umano ang gaya ni Wang na agad nagkansela ng order matapos humingi ng apology ang appliance store.
Kung hindi magiging pabor sa Little Swan ang resulta ng gagawing imbestigasyon ng ng local market supervision authority, nakatakda itong malugi nang malaki.
Ang orihinal na presyo ng lahat ng washing machines na nabenta ay nasa PHP554 milyon.
Dahil sa pagkakamali sa pricing, ang naging benta lang ng appliance store ay nasa mahigit PHP316 milyon.
Umaasa ang Little Swan na kakatigan ito ng korte dahil honest mistake ang nangyari.
Read: Heartbroken guy, 24, looks older after 5 months in the mountains
