Sa kulungan ang bagsak ng chief engineer ng isang rail company sa South Africa matapos madiskubreng peke pala ang credentials na nakasaad sa kanyang curriculum vitae (CV) o resume.
Nabisto lamang si Daniel Mthimkhulu, 49, matapos ang halos 15 years na pagtatrabaho sa Passenger Agency of South Africa (Prasa), ang state-owned passenger rail company ng African country.
Five years pa siyang naging head of engineering ng Prasa, at ang annual salary ay umabot sa $156,000 o PHP8.7 million.
Na-feature pa sa South African media noon si Daniel dahil sa matagumpay niyang career.
Read: Vlogger in hot water for unauthorized "date" shoot inside LRT-2

Sinentensiyahan siya ng 15 years na pagkakabilanggo ng Specialised Commercial Crime Court sa Johannesburg nito lamang September 3, 2024.
Nahatulan siya ng guilty noong 2022 para sa three counts of fraud dahil sa pamemeke ng CV at offer of employment noon sa Prasa para taasan ang kanyang salary.
Read: Mansion House in Baguio now open to public
FAKE QUALIFICATIONS
Taong 2000 nang mag-apply at magtrabaho si Daniel sa Prasa.
Nakasaad sa kanyang CV na meron siyang bachelor's and doctorate degrees in mechanical engineering mula sa Witwatersrand Univesity sa South Africa at sa isang German University, respectively.
Mula sa pagiging rank and file, umakyat ang posisyon ni Daniel hanggang sa naging chief engineer siya.
Pero inaresto siya noong July 2015 matapos madiskubre ang kanyang mga kasinungalingan.
Nadiskubre ng korte na hanggang high school lang ang natapos ni Daniel.
Sa isang 2019 interview, inamin ni Daniel na wala siyang PhD.
"I failed to correct the perception that I have it. I just became comfortable with the title. I did not foresee any damages as a result of this,” aniya sa eNCA interview.
Napag-alamang gumawa pa si Daniel ng pekeng job offer mula sa isang German company para taasan ng Prasa ang kanyang suweldo.
Nasangkot din si Daniel sa pumalpak na $33.4-million deal (PHP1.8 billion) na bumili ng bagong trains mula sa Spain pero hindi sila nagamit dahil masyadong mataas.
Sabi naman ni Phindi Mjonondwane, spokesperson for the National Prosecuting Authority, “The sentence sends a strong message that the perpetrators of white-collar crime will not go unpunished.
“The court took into account the seriousness and prevalence of fraud, the significant financial loss to Prasa and Mthimkhulu’s betrayal of his employer’s trust.”
Ikinatuwa naman ng mga mamamayan ng South Africa ang pagkakabisto kay Daniel.
Paghihimok nila, sana ay mas paigtingin pa ng companies ang pagve-verify ng qualifications ng job applicants.
