Tatlong magkakapatid na babae mula sa Toledo, Ohio, USA, ang nakamana ng isang piraso ng dime o ten-centavo coin na ginawa noong 1975.
Iningatan iyon sa isang bank vault sa Ohio.
Alam nilang may value ang coin, pero hindi nila alam kung magkano.
Makalipas ang 40 taon, napatunayan ng magkakapatid na hindi nagkamali ang kanilang pamilya sa pag-iingat sa coin.
Isinalarawan ni Ian Russell, president ng GreatCollections Coin & Paper Money Auctions, ang dime bilang “extraordinarily rare coin.”

Ginawa ito ng U.S. Mint sa San Francisco noong 1975.
Ayon kay Russel, ang presyo nito sa ngayon ay aabot na sa US$500,000 o PHP28,043,599.48.
Ang kanyang kumpanya na nakabase sa Irvine, California, ay espesyalista sa currency, at kasalukuyang may hawak ng isinasagawang online auction para sa naturang 10-centavo coin.
Matatapos ang auction sa October 2024.
Read: These toy cars are more expensive than brand-new cars
BAKIT VALUABLE ANG 1975 DIME?
Ang 10-centavo coin na pag-aari ng magkakapatid at kasalukuyang naka-auction ay nagtataglay ng larawan ni former US President Franklin D. Roosevelt.
Sobrang valuable ito dahil wala ang letrang “S” mint mark na nangangahulugang ginawa ito ng U.S. Mint sa San Francisco.

Ang mint mark ay special letter or mark na inilalagay sa coin sa panahon na ginawa ito para ma-identify ang manufacturing company na nag-produce.

Batay sa record, dalawang 10-centavo coin lang na walang “S” mint mark ang nag-e-exist—kaya napaka-rare nito at hinahabol ng mga mayayamang coin collectors.
Ang isa ay nabenta na sa ginanap na auction noong 2019 sa halagang US$456,000 o PHP25,571,535.16.
Nasa pag-iingat ito ngayon ng isang private collector.
Read: Appliance store loses PHP236M in 20 minutes due to pricing error
1975 10-CENTAVO NA WALANG WALANG “S” MINT MARK, MATAGAL NANG HINAHANAP NG COLLECTORS
Matagal nang alam ng mga serious coin collectors na may dalawang 1975 10-centavo na walang walang “S” mint mark, pero walang makapagpakita ng katibayan kung sino ang nagmamay-ari nito.
Ani Russel, “They were hidden for decades.
“Most major collectors and dealers have never seen one.”
Ang mint o gawaan ng coins sa San Francisco ay gumawa ng mahigit 2.8 million special uncirculated “proof” sets noong 1975.
Tampok dito ang anim na coins at ibinenta ng US$7 o PHP392.50 kada isang piraso.
Ang proof sets ang pinagbabatayan kung alin sa mga disenyo ng coins ang gagamitin sa circulation, at kung perpekto na ang pagkakagawa rito.
Hindi ito nagagastos, pero highly collectible.
Makalipas ang ilang taon, natuklasan ng mga collectors na may dalawang 10-centavo coins mula sa proof sets na walang mint mark.
Laging pinag-aagawan ng mga collectors ang pera—coin man o papel—kapag may printing error o minting error dahil nga limitado lang ang bilang nito.
Read: “World’s most expensive cigar lighter” is worth PHP28M
1975 COIN GINAWANG FINANCIAL SAFETY NET NG PAMILYA NG MAGKAKAPATID
Ibinahagi naman ni Russel na namana ng tatlong magkakapatid na babae ang 1975 10-centavo coin na walang mint mark sa kanilang pumanaw na kapatid na lalaki.
Ito ang matagal na nag-ingat sa coin.
Nagdesisyon naman ang tatlo na ibenta na iyon.

Ayaw nilang lumantad ayon kay Russel dahil nag-iingat sila sa kanilang biglang pagyaman.
Ikinuwento rin aniya ng magkakapatid na ang kanilang kapatid na lalaki at ina ang bumili sa 1975 coin noong 1978.
Dahil nadiskubre nang may error sa coin at naging collectible, mahal na rin ito at nabili ng mag-ina sa halagang US$18,200.
Ang pamilya ay nagmamay-ari ng dairy farm, at ginawa nilang financial safety net ang coin.
Isa sa magkakapatid ang nagsabing laging ikinukuwento sa kanila ng kanyang kapatid na lalaki ang tungkol sa 1975 coin—pero ni minsan ay hindi ipinakita sa kanya.
Nakita lang niya ito noong 2023 nang ipagkatiwala na sa kanilang tatlong magkakapatid ang pagmamay-ari.
Read: Acupuncture clinic uses crazy number of needles to cure patients
KAPATID NA LALAKI NAGPLANO NANG IBENTA AG COIN NOONG 2017
Ipinagtapat naman ni Russell sa magkakapatid na nagbalak ang kanilang kapatid na lalaki na ipa-auction ang coin seven years ago.
Pero pinayuhan umano niya ito na itago muna kung hindi naman kailangang-kailangan ang pera dahil tiyak na tataas pa ang value nito.
Wala rin siyang pinagsabihan na natuklasan na niya kung sino ang nagmamay-ari ng isa sa dalawang 1975 coin na walang mint mark.
Nang banggitin niya sa magkakapatid kung magkano ang posibleng presyo ngayon ng coin, bulalas umano ng mga ito: “Is that really possible?”
Ang coin na tinatawag ngayong “1975 ‘no S’ proof dime” ay sinimulang i-display sa ginaganap na coin show noong September 12, 2024, sa Tampa, Florida.
Kapag natapos na ang coin show, sa huling linggo ng October 2024, mapupunta na ito sa highest bidder sa isinasagawang auction ng kumpanya ni Russel.
Read: Man dies after 23 of his teeth are removed in a single session
