Nasa ilalim ngayon ng suicide watch si Sean “Diddy” Combs, ang sikat na American rapper, record producer, at record executive na kilala sa kanyang mga dating screenname na Puff Daddy at P. Diddy.
Inaresto ang 54-year-old rapper sa isang hotel sa Manhattan, New York, noong Setyembre 16, 2024, Lunes, dahil sa mga kaso ng sex trafficking, racketeering, at transportation to engage in prostitution.
Not guilty ang inihaing plead ni Combs sa mga akusasyon laban sa kanya.
Kasalukuyan siyang nakapiit sa Metropolitan Detention Center sa Brooklyn, New York, habang naghihintay sa pagdinig sa mga kaso niya.
Read: Allan de Castro, suspect in Catherine Camilon case, arrested
UNDER SUICIDE WATCH
Hindi tiyak kung suicidal ang kontrobersiyal na American rapper pero binabantayan itong mabuti bilang pag-iingat.
Bukod sa pagkabigla nang husto sa pagdakip sa kanya, hindi malinaw ang kalagayan ng pag-iisip ng kontrobersiyal na rapper.
Ipinaliwanag ng US Department of Justice National Institute of Corrections na isang “supervisory precautions taken for suicidal inmates that require frequent observation” ang suicide watch nila kay Combs.
Dalawang beses hindi pinayagang magpiyansa ang rapper para sa kanyang pansamantala na kalayaan.
Read: Pinoy cruise ship employee, kulong dahil sa child pornography
Isang libo at anim na daan (1,600) ang mga nakakulong sa Metropolitan Detention Center, na popular bilang mapanganib na lugar, kulang sa mga tauhan, at nakapagtala ng maraming bilang ng mga namatay at nagpakamatay.
Umapela sa korte ang mga abogado ni Combs na ilipat ito sa ibang kulungan dahil hindi umano ito ang wastong lugar para sa pre-trial detention ng American singer, na pinagbibintangang ginamit ang popularidad at impluwensiya para sa mga akusasyon laban sa kanya.
Noong Marso 2024, nasamsam ng mga imbestigador ang mga AR-15 rifle, isang libong bote ng baby oil at lubricant nang salakayin nila ang mga tahanan ni Combs sa Miami, Florida at Los Angeles, California, USA.
Kabilang sa mabibigat na paratang kay Combs ay ang puwersahang magtanghal ng pagtatalik ang mga biktima, na pinagagamit niya ng mga ipinagbabawal na droga tulad ng cocaine, at pananakot sa mga biktimang lihim na kinukunan ng kamera ang pakikipagtalik.
Si Combs ang nagpasikat noon sa mga kantang “I’ll Be Missing You,” “Gotta Move On,” at “Can’t Nobody Hold Me Down.”
Read: Spanish YouTube chef sentenced to life in prison for murder