PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The life of Lyn May, famous for “statuesque body, monstrous face”

A fake cosmetologist injected cooking oil into her face instead of collagen
by Bernie V. Franco
Published Sep 23, 2024
Lyn May
Mexican vedette Lyn May rose to fame as a popular exotic dancer and actress in the 1970s and 1980s. However, in an effort to preserve her youthful appearance, she underwent cosmetic surgery that went wrong.
PHOTO/S: Ventaneando on YouTube

Dahil nais mapanatili ang kagandahan, isang tanyag na aktres at exotic dancer noon sa Mexico ang sumailalim sa cosmetic surgery.

Ito pala ang sisira sa kanyang mukha.

Ito ang kuwento ni Lyn May, na sumikat noong ‘70s at ‘80s dahil sa magandang katawan at husay sa pagsayaw.

Nakapasok siya sa showbiz at binansagang sex symbol sa stage, big screen, at small screen.

Naging tanyag siyang “vedette.”

Sa hangad na mapanatili ang kabataan, pumayag siya noon sa alok ng nakilalang beauty doctor na magparetoke.

Pero kabaliktaran ang nangyari. Nasira ang mukha ni Lyn May at hindi na ito naibalik sa dati.

Sa ngayon, 71 anyos na si Lyn May at nananatiling aktibo sa showbiz sa Mexico.

Sa isang Mexican TV show nga, tinawag siya ng hosts na isang "character," at nananatili siyang relevant dahil sa kanyang makuhay na kuwento at pagkatao.

Nang itampok siya sa report ng Mexican writer na si Cesar Hernandez, binanggit niya ang bansag kay Lyn May na may “statuesque body but monstrous face.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila kasi ng kanyang edad, maganda pa rin ang hubog ng kanyang katawan at patuloy na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan sa Mexico. Markado rin ang kanyang nasirang mukha.

Read: Mom makes son sell snacks to teach him a lesson; plan backfires

Lyn May before and after
Lyn May then and now
Photo/s: Caracol Television on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Grandmother, 80, joins Miss Universe South Korea 2024

THE COLORFUL LIFE OF LYN MAY

Si Lyn May o Liliana Mendiola Mayanes sa totoong buhay, ay isinilang sa Acapulco de Juarez, Guerrero, Mexico noong 1954.

Panganay siya sa limang magkakapatid at nabanggit niya sa isang interview na galing siya sa mahirap na pamilya. May dugo rin siyang Chinese.

Bago siya sumapit sa edad na 15 ay nabuntis siya.

Sa edad na 17 ay nagsimula na siyang magtrabaho bilang exotic dancer siya sa isang night club.

Dito siya nakita at nakilala ng tanyag na Mexican comedian na si German Valdes Tin Tan, na naging hudyat para makilala si Lyn May at kalaunan ay makapasok sa showbiz.

THE TRAGIC SURGERY

Naging in-demand exotic dancer si Lyn May.

Maraming kumuha sa kanya sa mga espesyal na okasyon at nagtanghal siya sa sa magagarbong lugar.

Dahil kabataan at kagandahan ang puhunan, naengganyo si Lyn May na sumailalim sa cosmetic surgery.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May nakilala siyang babae na nagpakilalang female cosmetologist umano.

Nakumbinsi niya si Lyn May na sumailalim sa beauty treatment, kung saan tututukan siya ng collagen sa mukha.

Ani Lyn May (roughly translated), “That was my misfortune because they put in me [via procedure] and I got lumps.

“And then they had to open me to remove the lumps,” kuwento niya sa isang Mexican talk show noong 2018.

Binanggit naman sa mga Mexican talk shows na sa halip na collagen, cooking oil ang itinurok kay Lyn May.

Nasa 20s daw siya noong sumailalim siya sa procedure.

Sumailalim daw siya sa tinatayang tatlong surgeries para tanggalin ang lumps na namuo sa kanyang mukha.

Sa kabila ng mga procedures na ito, hindi na naibalik sa dati ang kanyang mukha.

Read: How architects deal with clients who believe in feng shui

Lyn May
Lyn May became a popular exotic dancer in Mexico during the '70s and the '80s.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

lyn may went through DEPRESSION

Dahil sa nangyari, aminado si Lyn May na naapektuhan ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

Bukod sa nasira ang mukha, lumamlam din ang kanyang career.

“It affects me very much,” pag-amin niya sa sinapit niya.

“When I give an interview and I look at myself, I don’t like it. I look horrible.”

Naging tampulan daw siya ng pangungutya at pati ang kanyang ina at kapatid ay apektado.

“So, I was like traumatized.”

Sa isang past interview, inamin din ni Lyn May na tinangka niyang tapusin ang buhay. Pero hindi iyon natuloy.

Taong 2018 din nang sumailalim pa siya sa isa pang surgery para ma-improve ang kanyang itsura.

Sinikap ng isang plastic surgeon na ayusin ang kanyang ilong at mabigyan siya ng better contour.

Lyn May
Lyn May (right) continues to guest on Mexican TV shows and she remains active in showbiz.
Photo/s: Ventaneando on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LYN MAY STILL ACTIVE

Noon lamang June 2024, tampok si Lyn May sa isang Mexican stage play na “Gardenia de Parfum.”

Ang proyekto raw na ito ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong ipamalas ang husay niya sa pagsasayaw.

Sa TV interview nang i-promote ang play, ibinahagi ni Lyn May kung bakit napapanatili niyang maganda ang kanyang pangagatawan.

Kung wala raw siyang proyekto ay araw-araw siyang pumapasok sa kanyang classical ballet class sa isang dance school.

Balak din niyang ipagpatuloy ang kanyang pagpe-perform, at subukan ang pagiging adult-content creator sa paltform na Only Fans.

Sa panayam, inamin ni Lyn May na marami pa ring kalalakihan ang humahanga sa kanyang pangangatawan at balak daw niya gumawa ng mga content para sa kanyang fans.

Gusto rin daw niyang magtayo ng sariling dance school.

Nabanggit din sa reports na si Lyn May ay ikinasal nang walong beses at na-divorce na ng pitong beses.

Nagkaroon din siya ng tatlong anak na naging kontrobersiyal dahil inilihim niya ang mga ito noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kaso ni Lyn May ay naging kontrobersyal sa Mexico. Sinasalamin din niya ang handang gawin ng ibang celebrities sa paghahangad na maging relevant.

Sa mga episodes ng Mexican TV shows na tinalakay ang kanyang kuwento, madalas ipunto ng mga host ang kahalagahan ng pagpapatingin sa mga certified professionals.

Lalo na raw sa panahon ngayon na usong-uso ng mga cosmetic surgeries at beauty enhancements.

Tiyakin dapat na professionals ang mga kokonsultahin para walang pagsisihan sa bandang huli.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mexican vedette Lyn May rose to fame as a popular exotic dancer and actress in the 1970s and 1980s. However, in an effort to preserve her youthful appearance, she underwent cosmetic surgery that went wrong.
PHOTO/S: Ventaneando on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results