Trigger warning: Chil pornography
Bukod sa pagkakakulong, sasailalim din sa psychological treatment at therapy ang Pinoy cruise ship employee na guilty sa child pornography.
Si Arvin Joseph Mirasol, 34, ay hinatulan ng 30 years in federal prison noong August 28, 2024.
Nag-plead guilty siya sa pagkuha ng mga hubad na video ng mga menor de edad.
Ang hatol ay ibinaba ni U.S. District Court Judge Melissa Damian.
Read: Pinoy cruise ship employee, kulong dahil sa child pornography
Si Mirasol, na taga-Batangas, ay nagtrabaho bilang stateroom attendant sa Symphony of the Seas cruise ship.
February 25, 2024, nang matuklasan ng isang cruise guest ang hidden camera na nakatago sa counter ng banyo. Ni-report niya ito sa ship security.
Idinetain ng ship security si Mirasol nang mapag-alamang pagmamay-ari niya ang hidden camera.
TREATMENT AND THERAPY
Ang latest update ng ABS-CBN News, nakapiit na sa Federal Detention Center sa Miami, Florida, si Alvin.
Sasailalim din siya sa psychological counselling at sex-offender treatment na kinabibilangan ng psychological testing at polygraph examination.
Nakasaad sa isang intensive treatment modalities website sa Florida na ang sex-offender treatment ay may layong alamin at bawasan ang "cognitive and behavioral risk factors that contribute to sexual offending behavior and recidivism.”
Ayon naman sa public defender, nagsumite na si Alvin ng apela sa U.S. Court of Appeals sa Florida.
Read: Man's saliva matches with DNA from a murder 36 years ago

QUICK BACKTRACK
Ang hidden camera na natagpuan sa banyo noong February 2024 ang naglunsad ng imbestigasyon, na nagresulta sa pagkakahalungkat at pagkakakumpiska sa files ni Mirasol.
Dito natagpuan ang iba't ibang videos ng mga bata na nakahubad at ang focus ay ang kanilang maseselang bahagi.
Batay sa mga nakuhang video, ang mga biktima ay mga batang may edad 2 years old hanggang 17 years old.
Sa isang video, makikita pa ang salarin na ini-install ang camera sa banyo ng guest.
May kuha rin si Mirasol na papasok sa kuwarto ng mga guests habang naliligo at magtatago siya sa ilalim ng kama.
Pagkatapos ay palihim niyang kukunan ng video ang passengers paglabas sa shower.
Meron din siyang hidden camera sa passenger cabins, at base sa date sa mga videos, nagsimula siya sa gawaing ito noong December 2023.
