PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Turkish TikToker who married self dies after falling in building

A suicide note was reportedly found in the body.
by Bernie V. Franco
Published Sep 30, 2024
Kubra Aykut
TikToker Kubra Aykut, 26, falls to her death from the fifth floor of her luxury apartment ni Istanbul, Tukiye. Kubra went viral for marrying herself in December 2023.
PHOTO/S: Kubrasal on Instagram and YouTube

Trigger warning: mention of suicide

Nagulantang ang fans kasunod ng pagkamatay ng isang Turkish social media influencer na sumikat matapos pakasalan ang sarili noong 2023.

Nahulog si Kubra Aykut, 26, mula sa fifth floor ng isang high-end building sa Sultanbeyli district sa Istanbul, Turkiye, Lunes, September 23, 2024, ayon sa reports.

Read: Bansang Turkey, Türkiye na ngayon. Bakit ito nagpalit ng pangalan?

Sabi pa ng Turkish media, isang suicide note ang natagpuan sa katawan ng dalaga.

Bago ang trahedya, ikinabahala ng fans ng Turkish TikToker ang kanyang pinakahuling post.

Mababasa sa post na nangangamba si Kubra sa kanyang timbang. Patuloy raw kasi ang kanyang pagpayat at hindi na nito alam ang gagawin.

Aniya sa post: “I've gathered my energy, but I can't seem to gain weight. I lose a kilogram every day. I don't know what to do; I urgently need to gain weight.”

Ang pinakahuling post ni Kubra ay video niya na nililinis ang kanyang apartment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Kubra ay may 1 million followers sa TikTok at higit 200,000 followers sa kanyang Instagram account.

Kubra Aykut
Turkish TikToker Kubra Aykut's last post was a video of her cleaning her apartment. She died after falling from the fifth floor.
Photo/s: Kubrasal on TikTok

Read: Boy kidnapped in 1951 reunites with family after 70 years

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VIRAL 2023 WEDDING VIDEO

Lumaki ang following at nakilala si Kubra dahil sa engrandeng “solo wedding” niya noong December 2023.

Makikitang masayang-masaya si Kubra sa kanyang wedding, suot ang laced-white gown, tiara at gold jewelries.

Pinag-isipan ni Kubra ang kanyang solo wedding kunsaan siya mismo ang nagmaneho ng wedding car.

“I cannot find a worthy groom for myself,” saad pa niya sa video.

Sa reception, punung-puno ng kasiyahan ang selebrasyon ni Kubra.

Makikita siyang walang humpay sa pagsayaw at pagkanta sa saliw ng Turkish music at kasama ang mga bisita.

Kubra Aykut wedding
Kubra became viral when she made married herself in December 2023 and said she could not find a worthy groom.
Photo/s: Kubrasal on TikTok
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Moo Deng brings millions of pesos in profit

AUTHORITIES TO CONDUCT INVESTIGATION

Nahulog si Kubra mula sa ikalimang palapag ng kanyang apartment sa exclusive Hasanpasa neighborhood.

Dinala ng mga pulis ang kanyang katawan sa isang private hospital para magsagawa ng post-mortem.

Pagkatapos ng imbestigasyon ay inuwi ang kanyang mga labi sa kanyang mga magulang sa bayan ng Bursa.

Sa mga lumabas na video sa kanyang libing, marami ang dumalo, kabilang na rito ang kapwa Turkish influencer na si Dilan Polat.

Kasama ni Dilan ang kanyang abogado na si Enes Cetinkaya na diumano'y long-time partner ni Kubra, ulat ng Daily Mail.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TikToker Kubra Aykut, 26, falls to her death from the fifth floor of her luxury apartment ni Istanbul, Tukiye. Kubra went viral for marrying herself in December 2023.
PHOTO/S: Kubrasal on Instagram and YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results