Naglabas ng guilty plea ang isang lalaking accomplice sa pagnanakaw ng luxury jewelry store sa Beverly Hills, California, USA.
Nasa $2.6 million (PHP146 million) ang halaga ng tinangay na alahas.
Ang suspek na kinilalang si Ladell Tharpe, 39, taga-Long Beach Island, Los Angeles, U.S.A., ay kinasuhan ng isang count of interference with commerce by robbery.
Idinetalye niya ang mga pangyayari sa kanyang salaysay.
Pero ang kakatwa, nagawa niyang mag-post sa Instagram tungkol sa pagnanakaw nila, ayon sa pahayag ng U.S. Department of Justice sa website nito noong September 30, 2024.
Read: Spike in Pinoys marrying foreigners due to social media, says CFO

THE LUXURY JEWELRY SHOP ROBBERY
Nangyari ang pagnanakaw noong March 23, 2022.
Si Ladell ang driver ng isa sa mga ginamit na getaway cars.
Siya rin ang nagsagawa ng surveillance sa ninakawang establishment at nagsilbing lookout.
Pagkatapat ng mga sasakyan sa luxury jewelry store, lumabas ang mga magnanakaw saka pinagbabasag ang mga display cases na naglalaman ng mga mamahaling jewelry at accessories.
May customers at store personnel na nakasaksi sa krimen.
Kasama sa mga tinangay ang 19 bracelets, pitong pares ng hikaw, apat na kuwintas, isang pares ng obelisks, walong singsing, at 20 relo.

Read: TikToker who wedded solo dies after falling from building
Matapos isagawa ang pagnanakaw, dali-daling sumakay ang mga salarin sa mga nakaabang na sasakyan at saka tumakas.
Two days later, nag-post si Ladell ng grupo ng mga kalalakihang nagsasaya habang may hawak-hawak na pera.
May post rin tungkol sa makapal na dollar bills at ang caption ay “Robbery Gang.”
Naka-schedule si Ladell na mabasahan ng sakdal ni U.S. District Judge George H. Wu sa January 6, 2025.
Inaasahang mahaharap si Ladell sa 20 years na pagkakakulong.
Siya ay nasa kustodiya ng mga pulis mula pa noong March 2023.
