Isang lalaki ang nagsimula ng apoy para i-cremate ang namatay na alagang aso, pero nauwi ito sa isang wildfire.
Nasunog ang 28-square-kilometer private property, kabilang na ang isang tirahang cabin, at ang pinsalang idinulot ng apoy ay umabot sa $200,000 o PHP11 million.
Inaresto ang lalaki at sinampahan ng kasong arson at trespassing nang matapos ang imbestigasyon ng mga wildfire investigators, ulat ng Associated Press noong September 28, 2024.
Read: Suspected robber guilty of PHP146-M jewelry theft; posts on IG
MAN ARRESTED FOR STARTING A FIRE
Nangyari ang wildfire sa western Colorado, U.S.A. noong August 1, 2024.
Nang imbestigahan kung ano ang nagdulot ng wildfire, may nakita ang mga imbestigador na mga labi ng aso na kalahating sunog.
Ito ang naging lead nila: na tinangkang i-cremate ang aso na siyang nauwi sa wildfire.
Ayon sa mga awtoridad, sinunog ng lalaki ang mga labi ng kanyang alaga noong August 1, 2024.
Nakalahad sa court records ang nangyari: nang ihagis ng lalaki ang isang spray can sa apoy, sumabog ito, at tumalsik ang apoy sa malapit na puno. Lumaki ang sunog at humantong ito sa wildfire.
Base sa court documents, inaresto ang lalaking nagsimula ng apoy nitong September 2024.
Read: Ex-Japanese boxer imprisoned 48 years for murder; not guilty!

Nang i-report sa mga pulis ang wildfire, nakita ng isa sa mga pulis ang lalaki na paalis sa lugar ng sunog sakay ng kanyang ATV.
Ang sakop ng pinsala ay 28 square kilometers ng private property at kasamang natupok dito ang isang cabin sa loob ng property.
Nasa $200,000 ang halaga ng damages ng nangyaring wildfire.
Napag-alaman din na ang aso ay nagngangalang Rocket.
Nagkaroon ito ng away sa isa pang aso, kaya’t ipinag-utos ng Colorado court na ma-euthanize si Rocket sa ilalim ng batas sa Nucla, isang bayan sa Colorado, ayon sa arrest affidavit.
Napag-alaman din na ang suspect ay nakatira sa isang camper van malapit sa pinangyarihan ng sunog.
