Pinapipiyestahan ngayon sa social media ang short video clip ng umano’y pagpapalayas ng isang Canadian landlord sa isang Indian national sa nirerentahang apartment.
Ganito ang overlay text sa video clip na ipinost sa social media: “Canadian landlord throws out Indian tenant’s belongings for not vacating house.”
Lampas 3.7 million views na ang 15-second video na ito na ipinost lamang noong October 4, 2024. Maraming netizens ang nag-engage. Marami sa kanila ang nagtalo kaugnay ng sitwasyon.
Pero ang gist ng kuwento ay hindi akma sa kilos ng mga tauhan sa video. Medyo hirap din maunawaan ang palitan nila ng mga dayalogo.
Gayunpaman, may ilang netizens ang nagbigay linaw sa viral video na ito. Mga netizens na rin ang nagpaliwanag ukol sa anila ay totoong konteksto ng video.
Giit nila, fake news daw ang post dahil mali ang ibinigay na impormasyon. Kinastigo rin nila ang @jist.news account sa Instagram dahil sa anila’y pagpo-post ng pekeng impormasyon.
Read: Nurse's one-year recovery story after she got hit by lightning
NETIZENS shed light to the viral video
Initially, marami ang netizens na nagtalo ukol sa video. Pero bakas sa kanilang komento na ang pinagbatayan nila ng impormasyon ay ang caption: na pinalayas umano ng Canadian landlord ang kanyang Indian tenant.
May ilan namang mapagmasid na netizens ang nakapansin ng mga ebidensiya sa video na magpapatunay na kinunan ang video sa United Kingdom at hindi sa Canada.
Obserbasyon ng netizen, nahagip sa video ang Fire Protection sticker na nakadikit sa pader.
Komento nito: "There’s a Moat Fire Protection sticker on the wall which is a UK housing organization, it’s not a thing in Canada."
Sundot pa niya, “And the landlord is clearly speaking in a British accent.”


Ang Moat ay isang kilalang housing association sa South East England.
Sinang-ayunan ng isa pang mapagmasid na netizen ang tungkol sa British accent ng umano’y landlord.
Sundot pa ng netizen, “…and clearly those are packages being delivered.” Hindi raw iyon mukhang mga gamit ng “tenant”.

Nagkataon namang may ilang netizens ang nagsabing luma ang naturang video.
Ibinihagi rin nila ang alam nila ukol sa konteksto ng video.
Komento ng isa (published as is), “It’s a case of delivery gone to wrong address, he angry because the delivery person woke him up early in the morning just to find out it’s not his delivery but his neighbours, hence he is angry and shirtless coz he just woke up.”
Dagdag pa niya, ilang beses na raw niyang napanood ang video na ito ilang linggo na ang nakalilipas.
Giit pa ng netizen, hindi basta-basta mapapatalsik ng landlord ang tenants sa ilang bahagi ng England.
Read: Dubai princess who divorced husband on IG launches Divorce scent

“Wow fake news at its finest,” comment ng isa pa.
Sinabi nitong ilang ulit na niyang napanood ang reel na ito sa ibang pages.
Aniya, hindi Indian ang lalaking galit sa video, kundi isang “Sri Lankan Tamil.”
Sinegundahan din niya ang detalyeng nagalit ang lalaki dahil kinatok siya ng delivery guy, pero ang item ay para pala sa kapitbahay.

Bagama’t hindi malinaw ang sinasabi ng mga tauhan sa video, mas akma ang kanilang obserbasyon batay sa kilos ng mga tauhan.
May slightly different version naman ang ikatlong netizen pero tumutugma pa rin ito na kaso ito ng wrong delivery.
Giniit niya na sa U.K. nakunan ang video.
Sinabi nito na ang lalaking walang t-shirt ay hindi tenant at hindi landlord pinapagalitan nito kundi tauhan ng isang company “to service or install something…”

May iba na sinang-ayunan ang netizens na ipinaliwanag ang ukol sa konteksto ng video.
May ibang netizens din ang nadismaya dahil sa paglipana ng videos na wala o kulang o mali ang konteksto.

Pinatunayan lamang ng video na ito ang pagiging talamak ng fake news ngayon.
At kailangan ang pagiging mapagmasid at mapanuri bago maglabas ng opinyon para hindi maging biktima at maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng fake news.
