Hindi na bago ang makarinig tayo ng mga parcel na in-order sa online shopping apps, pero iba ang dumating.
Nag-viral dati yung nabiling gadget pero noong na-deliver, bato ang laman ng box.
Read: Unboxing ng PHP30K drone mula sa online shopping, bato pala ang laman
Pero paano kung tama ang order, pero may kasamang makamandag na arachnid?
Ito ang experience ng isang estudyante na um-order ng boots, pero pagbukas niya ng package, nakita niyang may kasama itong makamandag na scorpion.
Nang ipagbigay alam ito sa mga awtoridad, nadiskubreng hindi ito isolated case.
STUDENT DISCOVERS SCORPION IN PARCEL
Si Sofia Alonso-Mossinger, 18, ay um-order ng boots sa Shein, kilalang fast fashion retailer na based sa China at naging “world’s largest fashion retailer” pagsapit ng 2022.
Pagbukas ng kanyang parcel, may bumulaga kay Sofia.
“I thought it was a toy—and then it moved,” ani Sofia sa BBC.
“I unzipped the outer packaging and saw something move and was like, what's this?" lahad ng electronics and engineering student sa University of Bristol sa England.
Nang matiyak kung ano ang bagay na gumalaw, isinara muli ni Sofia ang package at tinawag ang kanyang mga flatmates.
Hindi raw inakala ni Sofia na may kasamang scorpion sa parcel. At buhay ito!
Read: VIRAL: Bride na tumigil sa pagsayaw ng traditional dance sa wedding para kunin ang delivery

NOT THE FIRST TIME
Sabi ng flatmate ni Sofia na si Phoebe Hunt, 18, bigla na lang nilang narinig ang sigaw ni Sofia paglabas ng kuwarto.
Ani Phoebe, ang una niyang naisip ay patayin ang scorpion, pero nag-suggest ang ibang flatmates na ilagay na lang ito sa isang food container na may basang basahan para makainom ang arachnid.
Tumawag sila sa National Centre for Reptile Welfare (NCRW), na nagpadala ng tauhan.
Dito nadiskubreng hindi ito ang unang beses na nakatanggap ang centre ng parehong reklamo, ayon kay Chris Newman ng NCRW.
Inilarawan niya ang arachnid bilang Olivierus martensii o Chinese scorpion.
Sinabi nitong ang kagat ng scorpion ay “medically significant… potentially life threatening but an average adult would just have a really bad day.”
Sundot pa ni Chris: "It is quite worrying this is the second one we have had in under a month that has come in this way."
Wala namang napahamak sa insidente.
Sa ulat ng BBC, kinuhanan ng pahayag ang Shein, na nagsagawa raw agad ng “internal investigation” nang matanggap ang report.
Nakasaad sa statement, "Our teams on the ground have checked the shipment packing process and carried out an inspection of the goods in our warehouse and have confirmed that all standard operating processes have been adhered to."
