PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe prexy, pageant expert predict Top 5; netizens react

“This is insulting to other participating countries.”
by KC Cordero
Published Oct 26, 2024
Photo of Miss Universe organizers and logo
Hindi nagustuhan ng netizens ang ginawang pagbibigay nina Anne Jakrajutatip, current owner ng Miss Universe, at ng pageant expert na si Osmel Ricardo Sousa Mansilla ng kanilang prediction kung sinu-sino sa mga kandidata ang posibleng magwagi. (Photos courtesy of @lucasnguyen.pageantry)

Sa isang Instagram video ay nagbigay ng kanyang prediction si Jakkaphong Jakrajutatip, kilala rin bilang Anne Jakrajutatip o Anne JKN, current owner ng Miss Universe, Miss USA, and Miss Teen USA beauty pageant organizations, kung sinu-sino sa mga kandidata ang aangat pagsapit ng coronation night.

Kasama ni Anne sa pagbibigay ng prediction si Osmel Ricardo Sousa Mansilla.

Read: Two MUPH 2024 candidates, makakalaban muli ni Chelsea Manalo

Photo of Miss Universe organizers
Screenshot nina Anne Jakrajutatip at Osmel Ricardo Sousa Mansilla sa live stream nang magbigay sila ng prediction. Photo: Screenshot @lucasnguyen.pageantry on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Filipina-Kiwi Victoria Velasquez Vincent wins Miss Universe New Zealand 2024

Si Osmel ay isang Cuban-Venezuelan beauty pageant entrepreneur at former president ng Miss Venezuela Organization.

Kilala si Osmel sa kanyang excellence sa pageantry and advertising.

Tinawag din siyang “The Tsar of Beauty” dahil sa kanyang naging malaking papel para makasungkit ang bansang Venezuela ng mga korona sa mga beauty pageant.

Itinuturing din siyang best coach of beauty queens sa buong mundo.

Ang video ng pagbibigay nina Anne at Osmel ng predictions ay in-upload sa Instagram last October 25, 2024 ng user na may handle na @lucasnguyen.pageantry.

Ang Miss Universe 2024 ang ika-73 edition ng Miss Universe pageant.

Gaganapin ito sa November 14 sa Arena CDMX, Mexico City, Mexico.

Ililipat ni reigning 2023 Miss Universe Sheynnis Palacios ng Nicaragua ang korona sa magwawagi.

Read: Miss Universe 2024 coronation night details you need to know

anne and osmel BET on MISS MEXICO to win crown

Sa video ay kumakain si Anne habang nagpapalitan sila ni Osmel ng mga kuru-kuro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkasundo ang dalawa sa kanilang Top 5 na sina Miss Mexico, Miss Dominican Republic, Miss Denmark, Miss Chile, at Miss Venezuela.

Sang-ayon si Anne sa choices ni Osmel.

Nabanggit din ni Anne na nakita niya in person ang pambato ng Mexico, at nagandahan siya rito.

Usually, sa contest ay may slight advantage ang pambato ng host country.

Read: Netizens react to Miss Universe 2024 “Vote for Change” poster

Photo of Miss Mexico 2024
Si Maria Fernanda Beltran, ang Miss Mexico 2024. Photo: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nico Locco, ayaw nang ma-associate kay Anne Jakrajutatip

Maoobserbahan naman sa video na walang nabanggit mula Top 6, hanggang Top 13 at Top 14 pataas na ang kanilang na-predict.

Hinahanap tuloy ng netizens ang kumpletong video.

Kabilang din sa mga napipisil nina Anne at Osmel sina Miss Brunei, Miss Finland, Miss Vietnam, Miss Australia, Miss France, Miss Colombia, Miss Brazil, Miss Ecuador, Miss Panama, at Miss South Korea.

Isang matunog na “no” naman ang sagot ni Osmel nang tanungin kung may chance si Miss Guatemala.

Hindi rin ito naniniwalang may pag-asa si Miss South Africa.

Nang banggitin ni Anne ang Miss Philippines, umiling lang si Osmel.

Hindi rin ito kumbinsido sa mga pambato ng Indonesia at Thailand.

Read: Gown ng Miss Universe Thailand 2024 winner, gawang Pinoy

NETIZENS react

Hindi naman nagustuhan ng karamihan sa netizens ang ginawang pagbibigay ng prediction nina Anne at Osmel.

Ayon sa isang nagkomento, may Top 5 na agad ang dalawa at may winner na kahit hindi pa man nag-uumpisa ang pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabi ring hindi pa naman nakikita ng dalawa nang personal ang lahat ng mga kandidata.

Pinuna rin ang pagkiling ni Osmel sa Latina beauties.

“Never did Paula Shugart mention her faves prior to the pageant,” giit ng isa pa.

Si Paula ang dating president ng Miss Universe Organization, at namahala rito sa loob ng 23 taon.

Sambit naman ng isa, mula nang mag-takeover si Anne, nagmukha nang "cheap" ang Miss Universe.

Komento pa ng isa, “Organizers should not behave this way. This is insulting to other participating countries.”

Read: Gloria Diaz reacts to her Binibining Pilipinas 2024 question

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nagustuhan ng netizens ang ginawang pagbibigay nina Anne Jakrajutatip, current owner ng Miss Universe, at ng pageant expert na si Osmel Ricardo Sousa Mansilla ng kanilang prediction kung sinu-sino sa mga kandidata ang posibleng magwagi. (Photos courtesy of @lucasnguyen.pageantry)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results