Isang araw matapos isapubliko ni Miss Grand Myanmar Thae Su Nyein na isinauli nito ang second runner-up crown na napagwagian niya sa Miss Grand International 2024, naglabas ng opisyal na pahayag ang Miss Grand International (MGI) Organization.
Nakasaad dito ang pagbawi nila sa parangal na ipinagkaloob sa 18-year-old Burmese beauty queen.
Read: Miss Grand Myanmar, isinauli ang second runner-up crown sa MGI
Nakasaad sa opisyal na pahayag na inilabas ng MGI ngayong Lunes ng hapon, Oktubre 28, 2024:
“The Miss Grand International Organization has decided to revoke the title of 2nd Runner-Up from Miss Grand Myanmar 2024, Ms.Thae Su Nyein due to inappropriate behavior and actions that violated several regulations.”

LIFETIME BAN ON MYANMAR
Bukod sa pagbawi sa korona ni Nyein, sinabi ni MGI founder and president Nawat Itsaragrisil sa ipinatawag niyang media conference na pinatawan niya ng lifetime ban sa pagsali sa Miss Grand International ang Myanmar.
Ito ay bunsod ng mga salitang binitiwan nina Nyein at Miss Grand Myanmar national director Htoo Ant Lwin laban sa kanyang organisasyon.
Sabi ni Nawat tungkol kay Nyein: “What makes her so delusional? If she wants first place and must have it, I suggest she create her own pageant so she can win every title.”
Read: Htoo Ant Lwin at Nawat Itsaragrisil, nagbabatuhan ng akusasyon
Pero iba ang bersiyon ng kuwento ni Nyein sa Facebook Live streaming dahil, ayon sa kanya, ibinalik niya ang Miss Grand International 2024 second runner-up crown dahil dinaya siya sa National Costume at Country Power of the Year awards.
Aniya, “I am not controlled by anyone. I just make my own decision.
"I give back my second runner-up crown just because we didn’t get what we deserve, our National Costume prize, our Country Power of the Year, not the winner crown.”
Read: Miss Grand Myanmar, di matanggap na second runner-up lang sa MGI
Lack of sportsmanship at business credibility naman ang mga sinabi ni Nawat na dahilan ng kanyang desisyong wakasan ang partnership kay Lwin, pati na ang lifetime ban sa Myanmar sa pagsali sa Miss Grand International.
HTOO ANT LWIN GETS EMOTIONAL
Gaya ni Nyein, nagsalita si Lwin tungkol sa mga reklamo niya laban sa MGI.
Umiiyak na inilahad ni Lwin sa pamamagitan ng live socia media broadcast ang sama ng loob na kanyang nararamdaman.
Read: Miss Grand Myanmar national director, naungkat ang nakaraan
Sa kabila ng kontrobersiyang kanilang kinasasangkutan, iginiit ni Nawat na nananatiling maayos at matatag ang kanyang relasyon sa Myanmar community.
Ibinigay na halimbawa ni Nawat ang kanyang mga Burmese na kasambahay na pabor sa second runner-up victory ni Nyein.
“When I asked them about it, they said it was nothing, that Miss Grand Myanmar getting second runner-up was very good, and they thought it was already a great position,” kuwento ni Nawat.
Patutsada pa niya kay Nyein, “Someone like you shouldn’t participate in anything competitive or challenging others. You should stay in your own imaginary, fantasy virtual world. End of story!”