Bumubuhos ngayon ang simpatiya sa isang babaeng naglabas ng sama ng loob tungkol sa bad joke sa kanya ng asawa.
Anito sa post niya sa Reddit (published as is), “This morning we were having breakfast and I realized that the jam that we were eating was expired.
“So I go ‘whoops this jam expired in July’.
"He looks at me and immediately goes ‘You expired in April’
"I’m like ‘what?’ And he goes ‘When you had a baby’”
Ipinahayag din ng user na madalas silang magbiruan ng kanyang asawa ngunit hindi sa ganitong pamamaraan.
Bagama’t sinabi ng kanyang mister na ito ay isang biro lamang, hindi natuwa ang misis.
Dagdag pa ng user, kahit pa hindi intensiyon ng kanyang mister na saktan siya, ang word na ginamit niya ay “weird thing to say or joke about.”
Inilahad din ng misis na four years silang magkarelasyon at two years nang married.
Isinilang niya nito lamang April 2024 ang kanilang panganay.
Sa pagtatapos ng kanyang post, sinabi ng user na maaaring “extra sensitive” lamang siya noong araw na iyon dahil napagod siya sa pag-aalaga ng kanilang anak.

Subalit dahil sa pagre-repost ng isang Facebook user sa kanyang post, hindi nakaligtas ang mister niya sa mga kritisismo.
Ang ginamit na caption: “may this type of love never find me or my besties.”
Viral na ito ngayon with 35K reactions, 20.2K shares, and 532 comments at press time.
Read: Local winemaker discloses how sweet wine is made for Pinoys
HUSBAND’S "EXPIRED" COMMENT ANGERS NETIZENS
Mabilis nag-react ang netizens, at karamihan sa kanila ay hindi rin natuwa sa joke ng mister.
(Note: Comments are published as is)
Ang sabi ng isang netizen, “Expired in Medical Field is "d*ad" or "flat-" .... its not a good joke to any person.”
Komento ng isa pa, “that hurts, imagine ur partner calling u 'expired' when u carry his baby in ur womb in 9 months, u sacrifice ur body, the discomfort, the sleepless nights, and even ur time for urself.
“All of that just for him to tell u u're ‘expired’??? even if it's just a joke, that still hurts for a mother.”


Read: Netizens react to "insensitive" posts amid Typhoon Kristine
Ang ibang netizens, sinabing ang jokes ay half-meant, at hindi ito sasabihin ng mister kung hindi ito laman ng kanyang isip.
Komento ng isa, “They say jokes are half meant. These things should never be said to any woman especially to someone who just gave birth to a baby/blessing.”
Sundot ng isa, “Jokes are half-meant. A man with this mindset should be left alone.”


Isa pang comment: “Why even have an idea to make that kind of joke unless it's been in his mind? Either way they should talk it out and it depends on whether or not the husband will acknowledge her feelings or just wave it off.”

Ang iba naman, pinayuhan ang misis na huwag i-gaslight ang kanyang sarili o i-invalidate ang kanyang feeling.
Ang punto nila, normal ang masaktan sa sinabi ng kanyang mister at hindi lamang siya nagiging sensitive.
Ganito ang sabi ng isa: “Go tell him your marriage is about to expire too and it's not a joke. You're not being sensitive. Don't invalidate your feelings.”
Dugtong ng isa pa, “Never invalidate your own feelings miss ma'am."


NETIZENS SHARE THEIR PERSONAL EXPERIENCES
May iilang netizens din na nakisimpatiya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kani-kanilang experience.
Ang sabi ng isa, “Ako nga kinumpara pa sa aso. Iisa lang naman daw inire ko andami ko dinadaing, yung aso nga daw andami tuta pag nanganganak.
"There were many other things. Hanggang ngayon may resentment pa din. It's taking a lot of work to heal at ayusin.”

Isa pang hindi magandang karanasan:
“It found me. Maybe I don't deserve the gentle love. Hindi ako nanloko, at hindi rin ako gumawa ng masama sa kapwa ko. But, this is the kind of love I found. Poor decisions I made led me to this kind of love I have.”

Masakit kung iisipin, dahil may mga oras na hindi natin nakokonsidera ang epekto ng mga salitang binibitawan sa kapwa—lalong-lalo na sa ating mga mahal sa buhay.
Isang paalala ito na mas maging sensitibo at mas maingat sa pagpili ng mga bagay na ating sasabihin o gagawin.
Dahil kapag ito ay nasabi o nagawa na, hindi na ito mababawi o mabubura.
Ang punto pa ng isang netizen, “You can never say bad things to your other half, even as a joke, when you truly love them.”
