Magkasintahan sina Mariano Grinspun, 23, at Natacha Palavecino, 32.
Pareho silang taga-Argentina.
Noong October 21, 2024, magkasama silang naglalakad sa panulukan ng Balboa at La Bastilla streets sa González Catán.
Magkahawak-kamay pa ang dalawa.
Read: Lady discovers "rich" BF is a scammer 2 months before wedding

Read: Millionaire husband's strict rule on wife: “No guys friend ever.”
May nakasalubong silang isang babae, na bahagyang huminto at kinumusta si Mariano.
Ang babae, na nakilala lang sa pangalang LC, ay dati palang kaklase ng binata.
Hindi nagustuhan ni Natacha ang ginawang pangungumusta ni LC sa kanyang boyfriend.
Inatake siya ng matinding selos.
May dala-dala pala siyang patalim, at walang kaabug-abog na sinaksak si LC.
Read: VIRAL: Grandma with "longevity horn" reaches 107--and counting
BOYFRIEND'S CLASSMATE SURVIVES GIRLFRIEND'S ATTACK
Ayon sa ulat ng Argentinian local media, tinamaan ng saksak ni Natacha si LC sa kili-kili.
Natumba ito sa lupa.
Nang muli itong undayan ni Natacha ng saksak ay nagawa nitong sanggahin iyon.
Nagkataon namang may isang lalaking napadaan sa lugar at nakita ang nagaganap.
Nagawa nitong awatin si Natacha kaya nakakuha ng pagkakataon si LC na makatakas.
Read: Newlyweds revisit grocery store where their love story began
BOYFRIEND, STABBED TO DEATH
Dahil sa nangyari, naibaling ang galit ni Natacha sa nobyong si Mariano.
Ito naman ang kanyang inundayan ng saksak.
Tinamaan ito sa dibdib.
Sa nakuhang surveillance camera ng mga pulis na nag-imbestiga sa krimen, makikitang nagkaroon muna ng argumento ang magkasintahan.
Ilang sandali pa, natumba na si Mariano.
Read: Wife dumped by husband after taking care of him for 6 years
Tinangka nitong bumangon, pero ilang beses pa itong natumba sanhi ng tinamong saksak sa dibdib.
Sa huling pagbagsak ni Mariano, sinugod ito ni Natacha at sinakal.
May mga nakasaksi sa pangyayari na agad tumawag ng emergency.
Pero hindi na naabutang buhay ng mga sumaklolo si Mariano.
Read: Husband sued after catching wife and lover in bed, why?
GIRLFRIEND HAS HISTORY OF VIOLENCE
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen, natuklasang mayroon talagang violent tendencies si Natacha.
Noong 2021 ay nabilanggo na siya dahil sa pananaksak din sa dating boyfriend.
Maging si Mariano ay naisumbong na rin pala ang nobya sa pulisya.
Napag-alamang madalas itong pagbantaan at saktan ni Natacha.
Read: Museum worker throws away artwork mistaken for empty beer cans

Read: 1776 Continental coin found in tin can sold for PHP1.8M
Noong July 2023, naglabas ang hukuman ng restraining order para huwag siyang makalapit o magkaroon ng contact kay Mariano.
Gayunpaman, nang mag-expire na ang kautusan, nagdesisyon ang binata na bigyan ng panibagong pagkakataon ang nobya para maipagpatuloy nila ang kanilang relasyon.
Read: Burglar breaks into home, hangs laundry, cleans, cooks for owner
BOYFRIEND PHYSICALLY ABUSED BY GIRLFRIEND
Ayon sa ama ni Mariano na si Ramon, sa panayam ng El Trece, isang TV network sa Argentina, saksi siya sa pagmamaltratong ginagawa noon ni Natacha sa kanyang anak.
“He wanted to have a family with her, to start a family with her, but it was a sick thing, both for her and for him.
“You couldn't start a family with this violence.”
Nalaman umano nila na sa labas ng pintuan ng bahay pinatutulog ni Natacha si Mariano.
“She tied him up and made him sleep outside.”
Read: Family finds 84-year-old biscuit in grandmother’s freezer
Isang kapitbahay rin ang nagbahagi sa TV network na lagi nitong nakikitang ginugulpi si Mariano ng nobya.
Ayon sa kapitbahay, “She would attack him with rocks, pushed him, spit on him and treated him like a dog.
“This woman didn't love him; she treated him as a toy and a servant.”
Nahaharap ngayon si Natacha sa ilang taong pagkakabilanggo dahil sa pagpaslang kay Mariano, at sa pananaksak sa babaeng bumati sa kanyang nobyo.
Read: Policewoman captures her father’s killer after 25 years
