Pinag-usapan sa social media recently ang isang Japanese man dahil sa pagkakaroon niya ng apat na asawa at dalawang girlfriends.
Bukod pa riyan, nais daw niyang magkaroon ng 54 kids at mabansagang "God of Marriage."
Si Ryuta Watanabe, 36, na nakatira sa Hokkaido, hilagang bahagi ng Japan, ay 10 years nang unemployed.
Umaasa lamang siya sa suweldo ng kanyang mga asawa, na kinikilala ng batas bilang mga common-law partners niya, at mga girlfriends.
Sa kasalukuyan, si Watanabe ay may sampung anak.
Dalawa rito at tatlo sa kanyang partners ay kasama niya sa isang bubong, ayon sa ulat ng Shueisha Online sa Japan.

Si Watanabe ang tumatayong househusband. Siya ang nagluluto, gumagawa ng mga gawaing bahay, at nag-aalaga sa mga bata.
Ang mga gastusin sa bahay na umaabot sa halos 914,000 yen—tinatayang PHP351,396—bawat buwan ay pinaghahatian ng kanyang mga asawa at girlfriends.
Read: Vet calls for respect after a doctor belittles his profession
japanese man's past BREAKUP had a huge impact
Nagsimula ang hindi pangkaraniwang journey ni Watanabe six years ago.
Heartbroken siya noon. Ang paghihiwalay nila ng dating kasintahan ay nagdulot sa kanya ng matinding kalungkutan.
Bunga nito, sinimulan niyang gumamit ng mga dating apps kunsaan nakilala niya ang mga babae sa buhay niya ngayon.
Sa kabila ng unconventional nature ng kanyang mga relasyon, naniniwala si Watanabe na hangga't pantay-pantay ang pagmamahal niya, hindi magkakaproblema ang kanilang pagsasama.
Ang sabi pa niya sa Japanese TV show na Abema Prime, “I just love women. As long as we love each other equally, there won’t be any problems.”
Read: Wife nags husband to find work; husband complains of verbal abuse

Ibinahagi rin ni Watanabe na bawat isa sa kanyang mga asawa ay may sariling kuwarto, at sleeping schedule, through “rotation,” with him.
Ang claim pa ni Watanabe: hindi nagseselos ang kanyang mga asawa, bagkus, nagkakasundo raw ang mga ito na parang magkakaibigan.
WATANABE WANTS TO BE THE "GOD OF MARRIAGE"
Nais ni Watanabe na talunin ang record ng may pinakamaraming anak sa Japan upang siya ay kilalanin bilang “God of Marriage.”
Batay sa mga ulat, si Tokugawa Ienari, isang shogun na namatay noong 1841, ay nagkaroon ng humigit-kumulang 53 anak mula sa 27 concubines sa ilalim ng kanyang pamumuno noong Edo Period.
Ito ang nais na higitan ni Watanabe.
Aniya, “I want to have 54 children so my name will go down in history. I’m still looking for new wives.”
Pero dahil illegal ang polygamy sa Japan, hindi maaaring magkaroon ng legal na kasal si Watanabe nang higit sa isang babae.