Isang bangungot ang naranasan ng isang pamilya sa Eltingville, Staten Island, New York City, matapos itong puntahan ng mga pulis at sabihang isang miyembro ng pamilya nila ang nasawi matapos masagasaan.
Pero makalipas ang halos isang araw, ang kapamilyang inakalang patay na ay buhay na buhay pa pala.
Isa itong pagkakamali ng kapulisan na nagdulot ng matinding stress sa pamilya.
Read: Vet who went viral clears up wrong impression on veterinarians
family mourns after POLICE says a family member died
Nangyari ang insidente nito lamang Halloween, October 31, 2024.
Ayon sa ulat ng ABC 7 New York, noong November 3, 2024, madaling araw sinabi ng mga tauhan ng New York Police Department (NYPD) ang mabigat na balita: nasawi si Denise Owen, 44, matapos masagasaan ng kotse.
Ang nasabihan ng mga pulis ay si Sheila Nagengast, kapatid ng biktima.
Ikinuwento ni Sheila sa interview ang stress na idinulot sa kanya ng balitang natanggap.
"They said, 'I'm sorry to inform you but your sister has been killed fatally in a car accident..
Sabi raw ng mga pulis, si Denise, taga-New Dorp Beach, ay nasagasaan sa Hylan Boulevard, tumalsik ang katawan, at nagtamo ng fatal injuries.
Tinanong daw ni Sheila ang mga pulis kung paano nila na-identify ang kanyang kapatid.
Dugtong niya, “They said that there was some sort of ID there, that they were able to identify her."
Nahirapan si Sheila na i-absorb ang balita. Pero naisip na raw niyang i-donate ang organs ng kapatid.
Ayon pa sa kanya, si Denise ay schizophrenic at minsan ay nagpapalaboy-laboy sa kalsada.
Ipinaalam ni Sheila sa pamilya ang masamang balita at mabilis itong kumalat sa mga kamag-anak at mga kaibigan.
Nag-status pa sa Facebook ang ilan sa kanila at ni-repost ang news article kunsaan sinabi ng NYPD Highway District Collision Investigation Squad na si Denise ay nabundol ng isang Nissan Maxima.
Pero lumipas ang 18 hours, namataan ng isa pang kapatid ni Sheila si Denise malapit sa isang convenience store at buhay na buhay ito.

Read: VIRAL: Woman blocking parking space to reserve It
a case of DEATH MIX UP
Si Denise ay nakita sa intersection kunsaan sinabi ng mga awtoridad na siya ay nabundol at namatay.
Tumawag daw kay Sheila ang kanilang kapatid at ipinakita ang video ni Denise na buhay.
Ani Sheila, "She FaceTimed me, and my sister Denise, who was pronounced dead by NYPD, Staten Island Hospital North, the morgue who has all her information and everybody else... the newspapers, is standing directly in front of my sister... alive and well," ani Sheila.
Hindi pala si Denise ang nasagasaan at namatay.
Nagbigay rin ng reaksiyon ang abogado ni Sheila na si Attorney Jonathan D’Agostino.
Sabi ng abogado, “In 35 years of handling accident cases, I've never had this mix-up, I've never seen this mix-up.”

Balak magsumite ng reklamo ni Sheila kaugnay ng maling report ukol sa kanyang kapatid.
Sabi ng abogado, "It takes us from a wrongful death action to a possible action for negligent infliction of emotional distress.”
Bakas naman ang matinding emosyon na pinagdaanan ni Sheila dulot ng masamang balita ukol sa kapatid.
Sabi niya, “Nobody should go through what I've been through in the last 24 hours... nobody."
Humingi naman ng paumanhin ang NYPD kay Sheila.
Anila, itinama na nila ang record.
Sinabi rin nilang pinuntahan na nila ang totoong pamilya ng taong namatay sa aksidente.
