Walang maibigay na komento ang Gold Medalist, ang talent management na nangangalaga sa showbiz career ng South Korean actor na si Choi Hyun Wook, 22.
Ito'y matapos mag-viral online ang K-drama actor dahil sa ini-upload niyang Instagram Story.
Nitong Huwebes, November 14, 2024, in-upload ni Choi Hyun Wook sa kanyang IG Story ang isa sa figurine collection niya—ang Bearbrick.

Ngunit imbes na sa Bearbrick figure lang matuon ang atensiyon ng kanyang fans ay nakaagaw-pansin ang repleksyon na makikita sa nasabing figurine.
Dahil gawa sa fiberglass, makikita rito ang repleksyon ni Choi Hyun Wook habang kinukunan niya ng litrato ang Bearbrick figure.
Sa repleksyon, makikita ang aktor na nakaupo sa isang itim na couch at tila nakahubo't hubad.

Mabilis na kumalat online ang litrato na ito ni Choi Hyun Wook.
Kung bibisitahin ang IG account ng aktor ngayon ay burado na ang litrato, ngunit bago pa man niya tuluyang alisin sa kanyang Instagram Story ay marami nang netizens ang nakapag-screenshot nito.
Ito ngayon ang kumakalat sa social media.
Read: Julius Manalo: Pinoy policeman who reunited with South Korean mom
Choi Hyun Wook's agency responds with "no comments"
Dahil sa viral na litrato ni Choi Hyun Wook, minarapat ng ilang Korean media outlets na hingan ng reaksiyon ang kanyang talent management.
Sa ulat ng allkpop, wala pang maibigay na komento ang Gold Medalist para linawin ang viral picture ni Choi Hyun Wook.
Saad ng Gold Medalist (ayon sa English translation ng allkpop): "We have no comments to give at this time."
Choi Hyun Wook's past controversy
Hindi ito ang unang beses na naintriga at pinag-usapan sa social media si Choi Hyun Wook.
Noong 2023 ay katakut-takot na batikos ang kanyang natanggap nang mahuli siyang nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa isang parking lot.
Read: North Korean athletes punished for selfie with South Korean athletes?
Mabilis na humingi noon ng paumanhin ang aktor nang maglabas siya ng isang handwritten letter na naglalaman ng paghingi ng tawad sa kanyang nagawa.
WHO IS CHOI HYUN WOOK?
Taong 2019 nang mag-debut bilang aktor si Choi Hyun Wook sa pamamagitan ng web series na Real: Time: Love.
Simula nito ay nagsunud-sunod na ang kanyang acting projects, kabilang na ang Racket Boys (2021) Weak Hero Class 1 (2022), Twenty-Five Twenty-One (2022), at DP Season 2 (2023).
Lumabas din si Choi Hyun Wook sa music video ng NewJeans na "Ditto."
Bukod sa mga ito, mas nakilala pa si Choi Hyun Wook nang bumida siya sa tvN series na Twinkling Watermelon (2023).

