Inamin ng South Korean actor na si Jung Wong Sung, 51, na siya ang ama ng anak ng model na si Moon Gabi, 35.
Ang pag-amin ni Jung Wong Sung ay nangyari matapos ilathala ng Dispatch nitong Linggo, November 24, 2024, ang pagkakakilanlan ng sanggol na isinilang ni Moon Gabi.
Noong November 22, isinapubliko sa unang pagkakaton ng model ang aniya'y blessing na dumating sa kanyang buhay—ang pagkakaroon niya ng anak na lalaki.

Sa kanyang Instagram, in-upload ni Moon Gabi ang black-and-white photo niya habang nakahawak sa kanyang mukha ang isinilang niyang sanggol.
Mababasa sa kanyang caption: "I was not prepared for such a sudden news, I spent most of my pregnancy quietly basking in the blessings of my family rather than enjoying the joy or celebration of my pregnancy.
"The choice to do so was only for the baby to be born.
"I thought that in order to keep something precious on the one side of my mind, I have to work hard.
"I was such a poor-to-be mom with nothing prepared so I needed time to prepare everything but actually I think that was a coward's mom's choice."
Pag-amin ni Moon Gabi, hindi siya sa handa sa pagkakaroon ng anak.
Ganunpaman, hindi raw ito rason para hindi niya mapalaking maayos, malusog, at punung-puno ng pagmamahal ang anak.
Aniya: "I am a mother who is still not [perfectly] ready with the child who came into the world but regardless of my imperfections, I have made a vow to be a healthy mother filled with love and happiness rather than perfection.
"So as a mother, I am eager to give my child a healthy and happy life filled with complete love.
"I just wanted to show my child the bright and beautiful world I saw the other day and I thought I would have to be brave to do so."
Read: Song Joong Ki, Katy Saunders welcome Baby no. 2
NETIZENS ASK: WHO'S THE FATHER OF MOON GABI'S SON?
Dahil walang inilagay na detalye si Moon Gabi sa pagkakakilanlan ng ama ng kanyang anak, mabilis na pinag-usapan online kung sino ang nobyo niyang nakabuntis sa kanya.
May ilang pinaghinalaan ang netizens, kabilang na rito ang aktor na si Jung Woo Sung.

Hanggang nitong Linggo, November 24, naglabas ng ulat ang Dispatch para kumpirmahin ang nasagap nilang impormasyon na si Jung Woo Sung ang ama ng anak ni Moon Gabi.
Bagay na hindi naman itinanggi ng Artist Company, ang talent management na kinabibilangan at pag-aari ng aktor.
Read: Liza Soberano meets Momoland's Nancy, A Moment to Remember's Jung Woo Sung
Sa inilabas nilang pahayag, sinabi ng Artist Company na hindi kailanman itatanggi ni Jung Woo Sung ang pagkakaroon niya ng anak kay Moon Gabi.
Saad nila sa kanilang statement (ayon sa English translation ng Soompi.com), "It’s true that actor Jung Woo Sung is the biological father of the child that Moon Gabi revealed on social media.
"He is currently in the process of discussing the best possible avenues for childcare, and as a father, he will take full responsibility for the child until the end."
JUNG WOO SUNG-MOON GABI RELATIONSHIP
Ayon sa Dispatch, taong 2022 nang magkakilala sina Jung Woo Sung at Moon Gabi nang magtagpo sila sa isang event.
Simula nito ay nagtuluy-tuloy na raw ang komunikasyon nila sa isa't isa, bagamat wala pa silang opisyal na pag-amin sa kanilang relasyon.
Hanggang noong June 2023, napabalita ang pagbubuntis ni Moon Gabi.
Matapos daw niyang manganak, agad nagsagawa si Jung Woo Sung ng paternity test para kumpirmahin na siya nga ang ama ng isinilang na sanggol ng modelo.
Nang makumpirma na siya nga ang ama, nangako raw si Jung Woo Sung na aakuhin at susuportahan niya ang anak nila ni Moon Gabi.
Ngunit wala raw nabanggit ang aktor sa plano nila ni Moon Gabi na pagsasama at pagpapakasal.
WHO IS JUNG WOO SUNG AND MOON GABI?
Sina Jung Woo Sung at Moon Gabi ay parehong kilalang personalidad sa South Korea.
Si Jung Woo Sung ang isa sa pinakasikat at pinakaguwapong aktor sa South Korea
Nagsimula siya bilang model hanggang sa pasukin niya ang mundo ng showbiz.
Kabilang sa mga kilalang Korean films na pinagbidahan niya ay ang Beat (1997), Musa (2001), Mutt Boy (2003), A Moment to Remember (2004), The Good The Bad The Weird (2008), Cold Eyes (2013) Scarlet Innocence (2014), Asura (2016), The King (2017), Innocent Witness (2019), Hunt (2022), A Man of Reason (2023), at 12.12: The Day (2023).
Noong 2011 nang pasukin ni Moon Gabi ang mundo ng modelling nang sumali at manalo siya sa Miss World Bikini competition.
Simula nito, nagsunud-sunod na ang modelling projects niya hanggang sa pasukin na rin niya ang mundo ng pag-arte nang mapabilang siya sa cast ng South Korean reality-documentary show na Law of the Jungle noong 2018.
