Hiwalay na ang Squid Game star na si Jung Ho Yeon, 30, at Reply 1988 actor na si Lee Dong Hwi, 39, matapos ang siyam na taong relasyon.
Ang kanilang hiwalayan ay kinumpirma ng kinabibilangan nilang mga agency na Company On (Lee Dong Hwi) at Saram Entertainment (Jung Ho Yeon) nitong Martes, November 26, 2024.
Nangyari ito makaraang maiulat ng ilang entertainment media sites sa South Korea ang madalas na hindi na pagsasama ng dalawa.
Mababasang pahayag ng dalawang talent management (ayon sa ulat ng The Korean Times): "Lee Dong Hwi and Jung Ho Yeon have decided to return to being good colleagues."
Read: Jung Woo Sung admits he's the father of Moon Gabi's child
Lee Dong Hwi-Jung Ho Yeon relationship
Noong 2015 nagsimulang ma-link sa isa't isa sina Lee Dong Hwi at Jung Ho Yeon.
Makalipas ang halos isang taon, noong 2016, isinapubliko ng dalawa ang espesyal nilang relasyon.
WHO IS LEE DONG HWI AND JUNG HO YEON?
Parehong kilala sina Lee Dong Hwi at Jung Ho Yeon sa South Korea.
Si Lee Dong Hwi bilang aktor, at si Jung Ho Yeon naman bilang model-actress.
Si Lee Dong Hwi ay kilala sa natatangi niyang pagganap sa mga Korean drama series gaya ng Reply 1988 (2015), Entourage (2016), Radiant Office (2017), at Glitch (2022).

Una namang nakilala si Jung Ho Yeon nang mag runner-up siya sa Korea’s Next Top Model noong 2013.

Simula nito ay nagsunud-sunod na ang kanyang modelling projects.
Hanggang noong 2021, pinasok niya ang mundo ng pag-arte nang mapasama siya sa cast ng hit Netflix series na Squid Game.
Read: Fans worried about Squid Game actress Hoyeon Jung's drastic weight loss
Napanood din siya sa pelikulangThe Governesses (2022), at mga seryeng Chicken Nugget (2022) at Disclaimer (2024).
Read: Squid Game star Jung Ho Yeon reveals next Netflix project Korean Fried Chicken
