Isinailalim ni President Yoon Suk Yeol sa emergency martial law ang South Korea bago maghatinggabi ngayong Martes, December 3, 2024.
Inakusahan ni President Yoon ang oposisyon ng pagpaparalisa sa kanilang gobyerno sa pamamagitan ng “anti-state activities plotting rebellion,” ayon sa ulat ng The Korea Times.
Ikinagulat ito ng mamamayan ng South Korea dahil “unannounced” ang ginawang deklarasyon ng kanilang pangulo sa live late night broadcast sa isang TV station doon.
Read: Filipina in U.S. helps stranger, gets PHP5.8 million in return
Paliwanag ng South Korean president, “The martial law is aimed at eradicating pro-North Korean forces and to protect the constitutional order of freedom.”
Ang desisyon ni Yoon ay kasunod ng ginawang mga hakbang ng oposisyon, ang Democratic Party of Korea (DPK), na bumubup sa majority ng parliamentary ng South Korea.
Binawasan din ang government budget proposal na nasa parliamentary budget committee.
Mayroon ding impeachment motions laban sa state auditor at chief prosecutor.
Read: Five things you should never do with your money
UNPRECEDENTED POLITICAL SITUATION
Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Yoon ang 22 impeachment motions laban sa 22 government officials mula nang maupo siya noong May 2022.
Kinondena ni Yoon ang hakbang na ito at sinabing ito ay “unprecedented” situation sa kasaysayan ng pulitika hindi lamang sa South Korea kundi sa global scale.
Ang mga hakbang daw ng oposisyon ay humaharang para makakilos ang executive branch.
Paliwanag ni Yoon, ang malaking bawas sa budget ay magdudulot ng pilay sa gobyero para ipatupad ang tungkulin nito, tulad ng pagsugpo sa drug-related crimes at pagpapatupad ng public safety measures.
Ang budget proposal ay binawasan ng higit four trillion won (PHP163 billion).
Inakusahan pa ni Yoon ang oposisyon, na siyang mayorya, na ang mga ginawa nilang hakbang pagdating sa impeachment motions at budget bills ay “political tool” para protektahan si DPK leader Lee Jae-myung mula sa prosecution.
Parte ng pahayag ni Yoon: “I declare martial law to protect the free Republic of Korea from the threat of North Korean communist forces, to eradicate the despicable pro-North Korean anti-state forces that are plundering the freedom and happiness of our people, and to protect the free constitutional order.”
Hindi naman nilinaw ni Yoon kung ano ang bumubuo sa tinukoy niyang pro-North Korean anti-state forces.
Pero sinabi nyang ang ganitong puwersa noon ay naging sagabal sa kanyang pamumuno at sumisira sa pundasyon ng kanilang bansa.
UPDATE
Sa isang update kaugnay ng mga kaganapan sa South Korea, bumoto ang 190 sa 300 members ng parliament na magsumite ng mosyon na bawiin ni Yoon ang deklarasyon niya ng martial law.
Ayon sa The Korea Times, maaaring bawiin ang deklarasyon ng martial law kung nagkaisa ang majority ng National Assembly.
Binanggit din na kaya itong isagawa ng oposisyong DPK na may 170 seats sa 300-member parliament.
Dahil sa deklarasyon ng martial law, bumagsak ang halaga ng Korean won laban sa U.S. dollars.
Apektado rin ang pamumuhay ng mamamayan ng South Korea, turismo, at maging ang entertainment scene.
Ilang oras lamang matapos itong ideklara ni Yoon, binawi niya ito matapos pagkakaisa ng majority.
Ngayon naman ay ipinanawagan ng oposisyon na bumaba na sa puwesto si Yoon at kung hindi ay gagawa sila ng hakbang para ma-impeach ito.
