Pumanaw na si Olivia Hussey, ang sikat na aktres na bumida sa 1968 film na Romeo and Juliet, sa edad na 73.


Ito ang ibinahagi ng opisyal na Instagram page ni Olivia ngayong araw, December 28, 2024.
Ayon sa social media post, mapayapang namatay ang aktres sa kanyang bahay kasama ang kanyang pamilya noong December 27.
Walang nakalagay na dahilan ng kanyang pagkamatay.
“Olivia was a remarkable person whose warmth, wisdom, and pure kindness touched the lives of all who knew her,” saad ng statement.
Naiwan ni Olivia ang kanyang asawang si David Glen Eisley, mga anak na sina Alex, Max at India, at apong si Greyson.
“As we grieve this immense loss, we also celebrate Olivia’s enduring impact on our lives and the industry. We thank you for your thoughts and prayers during this difficult time and ask for privacy as we mourn the loss of a truly special soul,” dagdag pa ng statement.
Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31
WHO IS OLIVIA HUSSEY?
Teenager pa lang ay nagsimula nang umarte si Olivia.
Una siyang nakilala sa entablado noong 1966, sa stage play na The Prime of Miss Jean Brodie.
Matapos nito ay naging leading star siya sa pelikulang Romeo and Juliet, na idinirek ni Franco Zeffirelli.
Nang ipalabas ang Romeo and Juliet noong 1968 ay agad sumikat si Olivia dahil sa mahusay niyang pagganap sa karakter na sinulat ni Shakespeare.
Dahil sa kanyang Juliet ay nanalo siya ng Golden Globe Award for New Star of the Year - Actress, noong 1969.
Nakilala rin si Olivia sa pagganap niya bilang bida sa horror movie series na Black Christmas noong 1974.
Ilan pa sa mga kilalang role ni Olivia ay sa mga pelikulang It noong 1990, Jesus of Nazareth noong 1977, at Death on the Nile noong 1978.

Ipinanganak si Olivia sa Buenos Aires, Argentina, noong April 17, 1951.
Read: Brazilian music legend Sergio Mendes passes away at 83