PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chinese actor reported missing near Myanmar-Thailand border

Family and friends fear Xing Xing may have fallen victim to human trafficking.
by Jojo Gabinete
Published Jan 7, 2025
xing xing
Chinese actor Xing Xing has reportedly gone missing after flying to Thailand for a film shoot. He was last heard from on January 3, when he reportedly lost contact in the Mae Sot area, near the Thai-Myanmar border.
PHOTO/S: Instagram

Nawawala ang 22-year-old Chinese actor na si Wang Xing, na kilala sa kanyang stage name na Xing Xing.

Ayon sa social media post ng isang babaeng nagpakilalang kasintahan ni Xing, lumipad daw ang aktor sa Bangkok, Thailand, noong Biyernes. Enero 3, 2025.

Inimbitahan ang aktor para magkaroon ng partisipasyon sa pelikulang kukunan umano ang mga eksena sa Thailand.

Read: Lisa Marie Presley, itinago ang bangkay ng anak nang two months

Diumano, sinalubong si Xing sa Thai immigration control sa Suvarnabhumi International Airport ng isang taong nagpanggap na film crew member.

Tutuloy dapat si Xing sa hotel na malapit sa airport, pero sinabi umano ng "associate director" ng pelikula na mas makabubuting dumiretso siya sa lugar ng shooting dahil kulang na sila sa panahon.

Dinala si Xing ng kanyang kasama sa Mae Sot, isang lugar na 500 kilometro ang layo mula sa Suvarnabhumi airport.

Dito na siya nawalan ng komunikasyon sa kanyang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking balita sa China ang pagkawala ni Xing kaya nakikipagtulungan na ang Chinese embassy sa awtoridad sa Myanmar para matukoy ang kinaroroonan ng aktor.

Nakilala si Wang dahil sa mga karakter na ginampanan niya sa Your Sensibility My Destiny, Delicacies Destiny, Scent of Time, Story of Kunning Palace, at The Double.

Read: Sherilyn Reyes talks about recovery after losing PHP37M

ANOTHER CHINESE ACTOR ALMOST FELL VICTIM TO FAKE FILM CREW

Malapit ang Mae Sot sa Myawaddy, ang lungsod na border ng Myanmar.

Kilala ang Myawaddy bilang pugad ng mga sindikato, sugalero, sex traffickers, at scammer kaya nababahala nang husto ang mga kamag-anak at kaibigan ni Xing.

May dahilan para mag-alala ang mga nagmamalasakit kay Xing dahil sa isiniwalat ng kapwa niya Chinese actor na si Xu Dajiu, na muntik nang mabiktima ng fake film crew sa Thailand.

Inilahad ni Xu na noong 2024, nakita niya ang advertisement sa isang group chat na naghahanap ng mga aktor para sa isang drama series na kukunan umano sa Thailand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ni Xu ang nag-post ng ad at makalipas lamang ang apat na minuto, sinabi sa kanyang siya ang napili para sa karakter na kailangan sa drama series.

Ayon kay Xu, pagkababa niya sa eroplano sa Bangkok ay pinipilit umano ng taong sumundo sa kanyang kunin ang passport niya. Pero tumanggi ako.

Pagkatapos ay umalis daw ito kasama ang driver.

Sinabi ni Xu na kinansela ng film crew ang kanyang return flight dahil tumanggi siyang ibigay ang passport niya.

Babala rin ni Xu, as translated in Filipino: "Kung pupunta ka sa Thailand para magtrabaho, lalo na para sa drama filming, huwag kang pumunta. They are all fake."

Nakipag-ugnayan si Xu sa pamamagitan ng Instagram sa tunay na direktor ng proyekto, at ito ang nagsabi sa kanyang gawa-gawa lamang ang advertisement na nakita niya.

Sa unang paglathala ng artikulong ito ay maling larawan ang nailagay ng PEP.ph. Hindi iyon ang Xing Xing na tinutukoy sa artikulong ito kundi isang Chinese actor na kapangalan nito. Humihingi kami ng paumanhin sa pagkakamaling iyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chinese actor Xing Xing has reportedly gone missing after flying to Thailand for a film shoot. He was last heard from on January 3, when he reportedly lost contact in the Mae Sot area, near the Thai-Myanmar border.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results