Masayang inanunsiyo ng South Korean singer-entertainer na si Kim Jong Min, 45, ang nalalapit niyang pagpapakasal sa kanyang non-showbiz girlfriend.
Sa episode ng Korean variety show na 2 Days & 1 Night Season 4 noong January 12, 2025, ginawa ni Kim Jong Min ang announcement.
Gaganapin ang kanyang kasal sa April 20, 2025.

Pahayag ni Kim Jong Min, na isinalin sa English, "I never imagined I’d make this announcement here. Today is the day for a big announcement.
"I, Kim Jong Min, am getting married. The date is April 20."
Hindi pa pinapangalanan ni Kim Jong Min ang kanyang mapapangasawa, ngunit ayon sa ulat ng Soompi.com, ito'y businesswoman at CEO.
Read: Kristel Fulgar now in a relationship with longtime Korean suitor
Kim Jong Min's WEDDING PREPARATIONS
Pagbubuking naman ng 2 Days & 1 Night co-star niyang si Jo Se Ho, ngayon pa lang daw ay excited na si Kim Jong Min sa pagpaplano sa kanyang nalalapit na kasal.
Matagal na raw pangarap ni Kim Jong Min maikasal at magkapamilya sa tagal nitong pagiging single.
Ani Jo Se Ho, "Kim Jong Min was very confident about his decision to get married, and we had many conversations about it.
"I even introduced him to my wedding planner."
Dahil sa excitement, maging ang hosts sa reception ng nakatakda niyang kasal, maging ang lugar kunsaan balak nilang mag-honeymoon ay naibahagi rin ni Kim Jong Min.
Sabi niya, "Yoo Jae Suk will host the first part, and Jo Se Ho and Yoo Se Yoon will take charge of the second part.
"We're planning a trip to the south of France for our honeymoon."
Si Yoo Jae Suk ang pinakasikat na comedian/entertainer sa South Korea.
Si Yoo Se Yoon ay kasamahan nina Kim Jong Min at Jo Se Ho sa 2 Days 1 Night.
Unang isapubliko ni Kim Jong Min ang kanyang relationship status noong July 2024.
Nangyari ito nang mag-guest siya sa reality show na Cheerful Golfer’s Life Time Best Challenge.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin niyang may nobya siya at napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.
Si Kim Jong Min ay pioneer cast member ng 2 Days & 1 Night mula nang magsimula ang variety program noong 2007.
Si Kim Jong Min ay nagsimula bilang dancer at member ng mixed singing group na Koyote.
