PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman scammed by fake Brad Pitt online; loses PHP49 million

"An important reminder to not respond to unsolicited online outreach"
by Bernie V. Franco
Published Jan 16, 2025
Brad Pitt
"I just got played, I admit it, and that's why I came forward, because I am not the only one," says "Anne," a woman from France who was scammed out of $850,000 (PHP49 million) by fraudsters using the identity of Hollywood actor Brad Pitt.
PHOTO/S: @bradpittofficial on Instagram

Hindi nakawala sa bullying online ang isang French woman matapos simutin ng scammers ang kanyang pera at hiniwalayan pa siya ng asawa.

Ang buong pag-aakala kasi ng babae, ang kausap at karelasyon niya online ay ang Hollywood actor na si Brad Pitt.

Yun pala, gumamit ang scammers ng fake social media account at artificial intelligence o AI para makapag-generate ng “selfies” ng Hollywood actor.

Read: Deepfake Hollywood stars, AI news anchors: amusing but very alarming

Kinilala ang biktima bilang si “Anne,” 53 anyos at isang interior designer na may mental health problems, ulat ng AFP, isang French international news agency, nitong January 14, 2025.

Nahulog sa patibong ng scammers si “Anne” at ibinigay sa kanila ang $850,000 (o PHP49.5 million).

Nagkuwento si Anne sa French primetime program na Seven to Eight sa TF1 channel.

Read: PNP: Security guard in viral video may face punishment

HOW THE WOMAN MET “BRAD PITT”

First time ni Anne na gumamit ng Instagram noong February 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang nasa ski vacation kasama ang pamilya, isang babae ang nag-message sa kanya at nagpakilalang nanay umano siya ni Brad Pitt.

"She told me that her son needed someone like me," lahad ni Anne.

Makalipas ang ilang araw, nakatanggap siya ng message mula kay “Brad Pitt."

Diskumpiyado raw si Anne noong una at sinabi sa sariling niloloko lamang siya ng nag-send ng message.

"But I'm not used to social media and I didn't really understand what was happening to me,” kuwento niya sa TF1 channel program.

Brad Pitt
Scammers pretended to be Brad Pitt to scam a woman from France and took from her $850,000 (PHP49 million).
Photo/s: @bradpittoffIcial on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANNE FELL FOR THE TRAP

Hindi nagtagal ay nakumbinse si Anne na ang kanyang kausap ay ang Hollywood actor.

Ang scammers ay gumawa ng pekeng social media accounts at AI technology para lumikha ng photos ni Brad Pitt at ipinadala ang mga ito kay Anne kalakip ang sweet messages.

Sa loob ng isa at kalahating taon, ang buong akala ni Anne ay may relationship sila ni “Brad Pitt”.

Nang magsimulang gamitin ni Anne ang Instagram, kasal pa siya noon sa isang mayamang negosyante.

Pero nauwi sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama, at nakakuha si Anne ng divorce settlement na nagkakahalaga ng $798,000 (PHP47 million)—lahat ito ay nakuha ng mga scammers.

Lumikha ng senaryo ang scammers na nagpapanggap na “Brad Pitt” na kailangan niya ng malaking halaga para sa kanyang kidney treatment.

AI generated image of Brad Pitt in hospital
The scammers used AI technology to generate image of Brad Pitt confined in a hospital.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagdahilan si “Brad Pitt” kay Anne na frozen ang kanyang bank accounts dahil sa divorce process nila ni Angelina Jolie.

Naniwala si Anne.

Napagtanto lamang ni Anne na na-scam siya nang makita sa balita na ang karelasyon ni Brad ay si Ines de Ramon, isang Swiss jewelry designer.

Nang ipalabas ang episode ni Anne sa French program, binanggit na dumadaan si Anne sa depresyon at under treatment.

MOCKERY ONLINE

Nag-viral sa France ang TV episode ni Anne sa social media.

Subalit sa halip ng simpatiya, umani siya ng pangungutya sa maraming netizens.

Maging ang Netflix France ay may post online na, “four films to see with Brad Pitt (really) for free.”

May isa ring football club na nag-post na sinabi raw sa kanila ni Brad Pitt na dadalo siya sa stadium. Pero binura nila ang post na ito.

Ang episode ni Anne ay tinanggal ng TV network dahil sa natanggap niyang matinding online bullying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ibang kritiko, binatikos ang TV network dahil nabigo raw silang ma-anticipate ang harassment sa isang vulnerable person dahil sa pagsasapubliko ng kanyang kuwento.

Nakaabot naman sa kampo ng totoong Brad Pitt ang isyu.

Nagbigay ng pahayag ang spokesperson ng Hollywood actor sa Entertainment Weekly: "It's awful that scammers take advantage of fans' strong connection with celebrities.”

Dagdag pa nito, "an important reminder to not respond to unsolicited online outreach, especially from actors who have no social media presence," tulad ng Hollywood actor.

Sa program episode, binalikan ni Anne ang sinapit na panloloko sa kanya. Sabi niya, "I ask myself why they chose me to do such harm like this?

"I've never harmed anyone. These people deserve hell."

Sabi niya pa, hindi siya isang “moron.”

"I just got played, I admit it, and that's why I came forward, because I am not the only one."

Hindi isolated case ang nangyari kay Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isang research ng isang academic online newsletter, noong 2022 ay halos 70,000 Americans ang nabiktima ng online romance scams. Umabot sa $1.3 billion (PHP76 billion) ang total ng perang na-scam.

Naging talamak din ang paggamit ng AI para sa identity theft, fake news, at panloloko.

Kung ikokonsidera ang sinapit ni Anne at ang statistics ng talamak na panloloko ngayon, isa itong wake-up call para kaninuman na kailangang maging vigilant sa mga nakikilala sa social media.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I just got played, I admit it, and that's why I came forward, because I am not the only one," says "Anne," a woman from France who was scammed out of $850,000 (PHP49 million) by fraudsters using the identity of Hollywood actor Brad Pitt.
PHOTO/S: @bradpittofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results