PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tiktok restricts access for users in US, why?

"You can't use TikTok for now."
by Mark Angelo Ching
Published Jan 19, 2025
tiktok ban in US
Tiktok users will see this message when they try to access the said social-media app today, January 19, 2025.
PHOTO/S: Tiktok

Simula ngayong araw, January 19, 2025, hindi na magagamit ang TikTok ng tinatayang 170 million users nito sa U.S.

Kapag sinubukang buksan ang social-media app, makikita ang isang pop-up message na nagsasabing bawal itong gamitin pansamantala:

“A law banning TikTok has been enacted in the U.S. Unfortunately, that means you can't use TikTok for now."

Umaasa naman TikTok na maibabalik ito kapag umupo na sa puwesto ang incoming U.S. President na si Donald Trump.

“We are fortunate that President Trump has indicated that he will work with us on a solution to reinstate TikTok once he takes office. Please stay tuned.”

Sa Lunes, January 20, 2025, magsisimula ang bagong termino ni Trump.

Read: TikToker mom’s 2 babies earning millions as child models

WHY TIKTOK WAS BANNED IN THE U.S.

Noong nakaraang taon ay nagpasa ng batas ang U.S. Congress para pilitin ang TikTok na makipaghiwalay sa parent company nitong Bytedance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Haidian, Beijing, China kasi ang headquarters nito.

Saad ng mga congressmen, posibleng may access ang Chinese government sa data ng U.S. citizens na gumagamit ng TikTok.

Ayon pa sa batas na pinirmahan ni outgoing President Joe Biden noong April 2024, kailangang ibenta ng TikTok ang operasyon nito sa Amerika bago ang deadline na January 19, 2025.

Kung hindi makahanap ang TikTok ng bagong may-ari ay ipagbabawal ang operasyon nito sa bansa.

Mariing pinabulaanan namang pinabulaanan ng pamunuan ng TikTok na may koneksiyon ito sa gobyerno ng China.

Tinutulan din nito ang pagbebenta ng app.

Umapela ang TikTok sa U.S. Supreme Court, ngunit nagdesisyon ang mataas na hukuman na hindi tanggapin ang apela.

Read: TikToker's post about marrying "stepdad" sparks flood of comments

ISSUE OF FREE SPEECH?

Kinampihan naman ng mga human rights group ang posisyon ng TikTok.

Ayon sa American Civil Liberties Union (ACLU), ang pagba-ban sa TikTok ay banta sa malayang pamamahayag ng mga mamamayan sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Patrick Toomey, isang deputy director sa ACLU:

"The Supreme Court’s ruling is incredibly disappointing, allowing the government to shut down an entire platform and the free speech rights of so many based on fear-mongering and speculation."

TIKTOK HAS TRUMP'S SUPPORT?

Inaasahang maibabalik ang access ng U.S. citizens sa TikTok kapag umupo na sa puwesto si President Trump.

agpahayag kasi ito na bibigyan niya ng 90 days na palugit ang social media app para ayusin ang gusot nito.

“I think that would be, certainly, an option that we look at. The 90-day extension is something that will be most likely done, because it’s appropriate. You know, it’s appropriate.

"We have to look at it carefully. It’s a very big situation,” saad ni Trump sa panayam niya sa NBC News.

Ngunit hindi malinaw kung tuluyan bang ibabasura ni Trump ang ban o papanigan ang stand ng U.S. Congress na ibenta ng Tiktok ang operasyon nito sa bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiktok users will see this message when they try to access the said social-media app today, January 19, 2025.
PHOTO/S: Tiktok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results