Kabilang ang Taiwanese actors-singers na sina Jerry Yan at Ken Chu sa nagdadalamhati sa pagpanaw ng aktres na si Barbie Hsu.
Nagkasama ang tatlo sa phenomenal hit drama series na Meteor Garden noong 2001.
Pumanaw si Barbie dahil sa influenza-induced pneumonia habang nagbabakasyon sa Japan, kasama ang kanyang pamilya, noong Linggo, Pebrero 2, 2025.
Read: Meteor Garden star Barbie Hsu dies at 48
Sa pamamagitan ng kanyang Weibo page, nagpasalamat si Jerry na nakilala niya si Barbie noong panahong wala raw itong pakialam gaya ng isang bata.
Mensahe ni Jerry para sa namayapang aktres, as translated in English by Google: "I'm grateful to have met you, during the days when you were carefree like a child, you often said to take every day like it's the last. To live our life to our best.
"May you rest in peace and, in the other world, may you have no worries."
Read: Barbie Hsu: Remembering the Meteor Garden's leading lady
KEN CHU POSTS THROWBACK METEOR GARDEN PHOTO
Idinaan naman ni Ken Chu sa Instagram Stories ang kanyang pagbibigay-pugay kay Barbie.
Una ay nag-post si Ken ng itim na imahe.
Sinundan niya ito ng throwback photo ng Meteor Garden, kung saan kasama nila ni Barbie sina Jerry, Vic Zhou, at Vanness Wu.

At this writing ay wala pang post ang dalawa pang F4 members na sina Vic at Vanness kaugnay ng pagkamatay ni Barbie.
Sa Meteor Garden ay gumanap si Barbie bilang si Shan Cai; habang si Jerry ang gumanap na Dao Ming So at si Ken naman si Ximen.
Si Vic ay Hua Ze Lei at si Vanness ay si Mei Zuo.
Read: Meteor Garden phenomenon, binalikan sa pagpanaw ni Barbie Hsu
