Tumakbo para sa kanyang ikaapat na temino sa pagka-mayor ng Berezovsky si Yevgeny Pistsov.
Ang Berezovsky ay isang satellite city ng Yekaterinburg, na sakop ng Sverdlovsk region sa Russia.
Marami ang nag-akalang muling magwawagi si Yevgeny.
Ang nakatunggali kasi niya na si Yulia Maslakova ay subordinate niya.
Read: Influencer films herself vandalizing public transport station

Read: CHECK THIS OUT: World’s longest car The American Dream
Kamiyembro rin niya ito sa United Russia political party—ang political party ni President Vladimir Putin.
Bukod dito, si Yulia ay misis ng personal driver ni Yevgeny.
Ginanap ang halalan noong February 3, 2025.
Read: CHECK THIS OUT: Renter's small bathroom in New York City
DRIVER’S WIFE THINKS SHE’S JUST A “SPARRING PARTNER”
Walang nag-akalang mananalo si Yulia.
Katunayan, maging siya ay nagsabi sa isang panayam ng media na ang pagtakbo niya ay para lang magkaroon si Yevgeny ng “sparring partner.”
Ngunit nagwagi sa halalan si Yulia.
At ngayon, gumagawa siya ng paraan para huwag siyang makapanumpa sa tungkulin dahil hindi siya handa sa kanyang pagwawagi.
Read: “Unstealable” car stolen 60 hours after purchase
WHY THE PERSONAL DRIVER’S WIFE BECOMES A MAYORALTY CANDIDATE
Sa Berezovsky, tulad ng ibang mga lungsod sa Russia, ang mayor ay hindi direktang ibinoboto ng mga tao.
Inihahalal ang mayor ng mga deputies batay sa proposal ng isang selection committee.
Ang mga deputies ay karaniwang mga kinatawan o representatives ng iba’t ibang local and regional authorities.
Ngayong 2025, hiniling ng mga deputies sa selection committee na hayaang mas maraming alternative candidates ang mapagpilian.
Read: Zoo paints Chow Chow to look like tiger
Pero dalawa lang ang iniharap ng selection committee—ang incumbent mayor na si Yevgeny at si Yulia.
Si Yulia—na kahit ang mister ay personal driver ni Yevgeny—ay may katungkulan sa kanilang lungsod.
Siya ang head ng investment development department ng Berezovsky.
Hindi na nabanggit ang pangalan ng kanyang mister.
Read: Esperanza’s Hapag Kainan: Ancestral house now a restaurant
NEW MAYOR DOES NOT WANT TO ASSUME OFFICE
Sa ulat ng Russian newspaper na Kommersant kamakailan, sinabing mula sa 23 deputies, ang 17 rito ay bumoto para kay Yulia.
Anim lang ang kay Yevgeny.
Ang pagpili ng mga deputies sa misis ng personal driver ni Yevgeny ay pinaniniwalaang bilang ganti ng mga ito sa incumbent mayor dahil hinarangan niyang kumandidato ang talagang gusto ng mga ito na makatunggali niya.
Read: Influencer asks men to wear “Adam’s apple bra”
Nang ianunsiyo na ang nagwagi, ang higit na na-shock sa resulta ay si Yulia.
Napag-alaman ding tinangka pa nitong iatras ang kandidatura.
Pero sinabihan ito na hindi na puwede dahil nanalo na at naideklara na.
May dalawang linggo si Yulia para paghandaan ang kanyang panunumpa bilang bagong mayor ng Berezovsky.
May mga ulat na wala siyang planong manumpa.
Ayaw umanong maupo ni Yulia bilang mayor dahil ayaw nitong magtrabaho sa isang atmosphere na punung-puno ng conflict.
Read: Filipino student’s invention, finalist in T.H.E. Awards Asia 2025
MAYOR WHO LOST TO HIS PERSONAL DRIVER’S WIFE MAY NOT RUN AGAIN
Sakaling panindigan ni Yulia ang desisyong hindi siya manunumpa sa loob ng 15 araw na palugit bilang bagong mayor ng Berezovsky, muling magsasagawa ng panibagong local elections.
Muling pipili ang mga deputies ng mga kakandidato.
Sa tingin naman ng mga political analysts sa Russia, posibleng hindi na tumakbong muli si Yevgeny.
Kahiya-hiya umano ang naging pagkatalo ng mayor sa mga kamay ng misis ng personal driver nito.
Read: Mother dog brings unconscious sick pup to vet clinic
Ayon sa local political scientist na si Alexander Belousov nang makapanayam ng media, “It is an illusion to think that since the mayor [Yevgeny] is supported by the regional authorities, this will save him from falling into political oblivion.
“No one needs weak mayors.”
May mga espekulasyon naman na kaya ayaw maupo ni Yulia bilang mayor ay dahil magiging personal driver niya ang kanyang mister.
Ito kasi ang sadyang nakatalagang driver sa ngayon para sa sinumang manunungkulang mayor ng Berezovsky.
May mga nagsabi namang sa loob ng iitnakdang palugit ay posible pa ring magbago ang isip ni Yulia at ituloy ang pagiging mayor.
