PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy calls police after his father “robs” his ampao

Sumbong niya: “A bad guy is in my home.”
by KC Cordero
Published Feb 17, 2025
Boy holding ampao
Isang batang lalaki ang nagsumbong sa mga pulis na “ninakaw” ng kanyang ama ang kanyang ampao na may lamang pera. (Photo courtesy of SCMP; for illustration purposes only)

Isang batang lalaki sa China ang nagsumbong sa pulisya tungkol sa isang “bad guy.”

Napag-alaman na ang inireklamo ng bata ay ang kanyang mismong ama.

Ang dahilan, “ninakaw” umano nito ang kanyang Lunar New Year lucky money.

Isang tradisyon kasi sa China, na ginagawa na rin sa Pilipinas at iba pang Asian countries, na kapag Chinese New Year ay nagbibigay ng red envelop na tinatawag ding money card o ampao ang mga nakatatanda sa mga minors na relatives.

Ampao with money
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ang ampao ay pampasuwerte sa pinagbigyan nito. Photo: BGP

May lamang pera ang red envelop bilang pagbati sa pinagkalooban nito ng magandang kapalaran.

Sa ibang Chinese family, karaniwang ang ganitong monetary gifts na natatanggap ng mga bata ay iniingatan ng kanilang parents.

Read: PHP600K prize at stake in 20th GSIS National Art Competition

BOY CALLS POLICE FOR HELP

Pero hindi ganito ang naging sitwasyon ng batang nag-report sa mga pulis.

Nangyari ang insidente noong unang linggo ng February 2025.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post last February 15, nakatanggap ang isang police station sa Lanzhou, Gansu province ng tawag mula sa isang batang lalaki.

Sabi umano nito batay sa report ng SCMP: “A bad guy is in my home, and he has robbed my money.”

Hindi na sinabi sa ulat kung ilang taon na ang bata.

Narinig naman umano ng officer na nakatanggap ng tawag na may lalaking sinigawan ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sigaw ng lalaki: “You naughty boy, you did call the police!”

Agad nagpadala ang pulisya ng isang team para masasaklolohan ang bata.

Read: Pag-IBIG launches raffle promo to attract new members

FATHER OF THE BOY EXPLAINS THE ISSUE

Nang dumating ang team sa bahay ng bata, tuwang-tuwa umano ito nang makita ang mga pulis.

Itinuro pa nito ang lalaki sabay sabing: “Uncle Police, you came so quickly.

“Please catch this bad person immediately.”

Paliwanag naman ng lalaki: “I am sorry, Comrade Police.

“My son is not well-educated. I did not expect he would really call the police.”

Sabi pa ng tatay ng bata, nagagalit sa kanya ang anak at nagtalo sila kung sino ang dapat mag-ingat sa red envelope.

At mismong ang smartphone pa ng ama ang ginamit ng bata sa pagsusumbong sa mga pulis.

Read: BPI stops Load E-Wallet service for GCash, Maya

HOW POLICE solved the boy's complaint

Inayos ng mga pulis ang sigalot ng mag-ama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinaliwanag ng mga ito sa bata na ang kanyang ama ang mag-iingat sa pera.

Payo pa ng mga ito, “When you need money, you ask him to give you and record all your expenses, okay?”

Pinayuhan naman ng mga ito ang ama na maging maayos sa pakikitungo sa anak.

Ituro rin umano sa bata ang mga patakaran pagdating sa pera.

Huwag basta kukunin ang pera ng bata nang hindi malinaw sa anak kung ano ang kanilang magiging kasunduan tungkol dito.

Read: Romania offers scholarship grant for Filipinos

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang batang lalaki ang nagsumbong sa mga pulis na “ninakaw” ng kanyang ama ang kanyang ampao na may lamang pera. (Photo courtesy of SCMP; for illustration purposes only)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results