PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Manoel and Maria Dino: Couple married for 84 years

They have the longest marriage for a living couple
by KC Cordero
Published Feb 25, 2025
The couple holding hands
Sa kabila ng kanilang mga edad at tagal ng pagsasama, nananatiling sweet sa isa't sina sina Lolo Manoel at Lola Maria. Eighty-four years na silang kasal—and counting! (Photo: GWR)

Pinatunayan ng Brazilian couple na sina Manoel Angelim Dino at Maria de Sousa Dino ang kasabihang “love is timeless.”

One hundred and five years old na si Manoel, habang 101 naman si Maria.

Sa kasalukuyan ay 84 years and 77 days na silang kasal.

The couple now
Sweet pa rin kung magtitigan sina Lolo Manoel at Lola Maria hanggang ngayon. Photo: GWR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inulat ng Guinness World Records sa official website nito last February 14, 2025, na ang marriage nina Manoel at Maria ang itinuturing ngayon na record for the longest marriage for a living couple (different sexes).

Nagpakasal ang couple noong 1940 sa kapilya ng Boa Ventura sa Ceará, Brazil.

Hindi pa noon naiimbento ang first programmable electronic computer.

Hindi pa rin nagwawagi ang Brazil sa FIFA World Cup.

Read: Dumpster-diving couple saves PHP637K on food in one year

MANOEL AND MARIA’S LOVE STORY: LOVE AT SECOND SIGHT

Ipinanganak si Manoel noong 1919, at si Maria noong 1923.

Una silang nagkita noong 1936 habang parehong nagtatrabaho bilang mga magsasaka.

Bumiyahe noong panahong iyon si Manoel sa Almeida region na nasa Boa Viagem district para kunin ang shipment ng rapaduras, isang traditional Brazilian candy.

Doon niya nakilala si Maria.

Pero wala pang ligawan na naganap—at lumipas pa ang ilang taon bago naging sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
The couples portrait
Ang portrait ng couple noong kabataan pa nila. Photo: GWR

Ayon sa ulat GWR, sa unang pagkikita ng dalawa ay parang wala lang.

Kumbaga, walang spark.

Pero aksidenteng nagkita silang muli noong 1940.

Sa pagkakataon ito, smitten si Manoel kay Maria—at na-realize niyang siya na ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Na-in love siya rito—not at first sight—but technically at second sight.

Naging determinado si Manoel na huwag nang pakawalan si Maria.

Nagtapat siya rito ng pag-ibig, at niyaya itong lumabas.

Pumayag naman ang dalaga, at doon na nagsimula ang kanilang pagliligawan.

Read: Twin couples hold joint engagement ceremony

MARIA’S MOTHER DISAPPROVES OF MANOEL

Tulad ng ibang love story, may naging sagwil sa pagmamahalan nila Manoel at Maria.

It turned out na isang ever disapproving mother pala ang nanay ng dalaga.

Ayaw nito kay Manoel.

Gayunpaman, nagsikap ang binata na makuha ang tiwala ng ina ni Maria.

Sinimulan niyang magpatayo ng sariling bahay na kung sakali ay titirahan nila kapag kasal na sila.

Ito ang ginawa niyang paraan para patunayan na tapat ang kanyang hangarin sa kanyang “amor da minha vida” o love of his life.

Read: Couple proves mushroom farming is viable business

MANOEL AND MARIA GOT MARRIED AND HAVE 13 KIDS

Nakuha ni Manoel ang tiwala ng ina ni Maria, at hindi na ito tumutol sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpakasal sila noong 1940.

Nang magsama na sila sa bahay na kanyang ipinagawa, magkatulong silang mag-asawa na nagtanim ng tabako.

Ito ang kanilang naging source of income.

Hindi naging madali ang kanilang pagbuo ng pamilya, pero dahil sa kanilang wagas na pagmamahalan, naitawid nila ang bawat araw at gabi bilang couple.

Nagkaroon sila ng 13 anak.

Sa ngayon ay mayroon na silang 55 apo, 54 na apo sa tuhod, at 12 apo sa talampakan.

Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real

MANOEL AND MARIA ARE NOW BOTH CENTENARIANS

Pareho na ngayong centenarians sina Manoel at Maria.

Manoel with his birthday cake
Si Lolo Manoel nang magdiwang ng kanyang ika-103 kaarawan. Photo: GWR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa kanyang edad, madalas na nagpapahinga na lang si Manoel sa kuwarto mula umaga hanggang hapon.

Maria with her birthday cake
Ang photo ni Lola Maria sa kanyang 101th birthday celebration. Photo: GWR

Pagsapit ng alas sais ng gabi, sinasamahan niya si Maria sa living room para makinig sa radyo ng rosary prayer.

Pagkatapos, manonood naman sila ng televised mass.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 100-year-old woman thrives alone; still working as cashier

THE COUPLE’S SECRET TO LONG-LASTING MARRIAGE AND LONG LIFE

Nang tanungin ng mga kinatawan ng GWR kung ano ang sikreto sa kanilang long-lasting marriage at mahabang buhay, ang tanging sagot ni Maria: amor (love).

Ang record ng kasal nina Manoel at Maria ay na-validate ng website na LongeviQuest, sa tulong na rin ng mga kamag-anak ng couple.

Ang LongeviQuest ang itinuturing na global authority on maximum human longevity.

Ang directory nito ang authoritative database ng supercentenarians.

As of February 2025, ang longest marriage ever (different sexes) ay hawak nina David Jacob Hiller (b. 20 October 1789, d. 7 July 1899) at Sarah Davy Hiller (b. 17 March 1792, d. 8 April 1898).

Eighty-eight years and 349 days silang kasal hanggang sa pumanaw si Sarah.

Read: BF recreates The Wedding Singer proposal scene for GF

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng kanilang mga edad at tagal ng pagsasama, nananatiling sweet sa isa't sina sina Lolo Manoel at Lola Maria. Eighty-four years na silang kasal—and counting! (Photo: GWR)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results