Nakaramdam ng matinding kaba si Kelly O’Neill noong mismong araw ng kanyang kasal.
Parang babaligtad ang kanyang sikmura.
Pilit niya itong pinaglabanan.
Ayon kay Kelly sa wedding video na in-upload niya sa TikTok last February 22, 2025, hindi niya inakala na ang mga nararamdaman niyang signs ay isang pahiwatig na ang gagawin niyang pagpapakasal ay isang napakalaking pagkakamali.

Heto ang overlay text sa video (published as is): “My body literally rejecting him on my WEDDING DAY.
"I SHOULD HAVE RAN."
Nilagyan naman niya ito ng caption na: “Not to mention the hair falling out and dress ripping…”
Read: Meet Manoel and Maria Dino: Couple married for 84 years
BRIDE’S ACCOUNT OF THE WEDDING JITTERS
Twenty-six years old na ngayon si Kelly.
Ang wedding video ay kuha nang ikasal sila ng kanyang high-school sweetheart noong 2018.
Nineteen years old pa lang siya noon.
Divorced na sila ng kanyang naging mister.
Naninirahan siya sa United Kingdom.

Pagbabahagi niya sa panayam ng UK news website na Kennedy News and Media, noong araw ng kanyang kasal ay kakaibang tension ang kanyang naramdaman.
Kahit daw ayos na ayos ang kanyang buhok, pagpasok niya ng simbahan, basta na lang iyon bumagsak at nawala sa ayos.
Dagdag pa niya, “The shoulder part of my dress came undone and had to be held together by a pin.”
Read: Twin couples hold joint engagement ceremony
Lalong lumala ang nararamdaman niya nang maglakad patungo sa altar.
“As soon as the doors opened and I walked down the aisle, I felt like I was not in my body.
“I was so disassociated from it all.”
Nag-freeze din siya nung nasa harap na ng paring magkakasal sa kanila ng groom.
Bukod dito, nagsimula siyang umubo nang umubo.
“I was having a panic attack at that moment.”
Read: Newlyweds arrive at reception without catering, decors, coordinator
THE WEDDING PUSHED THROUGH
Dahil bata pa noon si Kelly at bulag siya sa pag-ibig sa kanyang naging mister, natuloy pa rin ang kanilang wedding.
Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, sinabi ni Kelly na ang mga naramdaman niya noon sa katawan ay senyales na hindi magiging maganda ang marriage nila ng kanyang naging mister.
“There are silly little things now that I look back on and think, ‘These were all little signs.’”
Makalipas ang isang taon, naghiwalay na sila.

Aniya, may mga natutunan naman siya sa kanilang paghihiwalay. Mas nakita raw niya nang malinaw at naunawaan ang mga relationship issues nila.
“When I stepped away from it all my blindfold was lifted.
“I watched the video, and I just felt sad for that girl.
“I didn’t recognize her as me. It only came after.”
Hindi na niya binanggit ang mga naging issues sa pagitan nila ng kanyang ex-husband.
Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real
NETIZENS SAID THE BRIDE SHOULD’VE JUST WALKED AWAY
Matapos ibahagi ni Kelly ang video, nagulat umano siya sa mga naging komento ng netizens.
Ang dahilan niya kaya nai-post iyon ay para alamin kung may makaka-relate sa kanyang naging karanasan.
“But a lot of my comments on TikTok are just saying, ‘You should’ve walked away.’”
Pagbibigay-diin ni Kelly, “But it’s never that black and white.
“I went into the wedding with no expectations of how to feel.
“And that’s why I found it so hard to draw a line between what I was actually feeling and what I thought I was feeling.”
Read: Woman scammed by fake Brad Pitt online; loses PHP49 million
ADVICE TO BRIDE-to-be: “LISTEN TO YOUR BODY”
Magaan sa pakiramdam ni Kelly na sa kabila ng pinagdaanang internal trauma, hindi siya natatakot sakaling dumating ang panahong ikasal siya ulit.
Hindi rin niya pinagsisihan ang pagpapakasal.
Pero sa susunod, hindi na raw siya magmamadali.
May payo rin siya sa mga babaeng gusto nang magpakasal.
“I’d encourage people to listen to their body if something doesn’t feel right, especially if you’re young.
“You’re going to want to ignore everyone’s advice and think you know everything—but your body knows.”

Nasa panibagong relationship na rin ngayon si Kelly, pero hindi pa sila kasal.
Nakilala niya ang bagong boyfriend noong 2021.
Mayroon na rin silang isang anak.
Read: Dad forces son to break up with girlfriend; marries her himself
